Mukhang naka-quarantine din ang lahat ng mga tauhan ng Optical Media Board. Ngayon maliwanag na hindi lamang kagaya nang dati na nasa DVD at mga flash drive ang piracy. Ngayon nakukuha na at naida-download mula sa internet ang mga pelikula nang libre.
Kung papaano napipirata ang mga pelikulang iyan, at kung ano naman ang napapala ng mga nag-a-upload, iyon ang hindi maliwanag.
Simple lang naman daw ang paraan. Una ang mga material na iyan kagaya ng kabuuan ng isang pelikula ay inia-upload sa isang site, na nagbabayad naman sa mga nag-uupload, depende kung ilan ang manonood o magda-download ng kanilang ini-upload. Ang tawag nila diyan ay “monetization”. Binabayaran sila ng site na nakakakuha naman ng advertisements dahil sa kanilang content. Pero ang hindi maliwanag, bakit pati ang mga pirated items o ang intellectual property ng ibang tao ay pinapayagan?
Ngayong pumutok iyan dahil sa isang kontrobersiyal na bold movie, hindi lang ngayon ginawa iyan. Nakita rin namin ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa internet habang palabas pa sa sinehan ang pelikula. Ibig sabihin, hindi na talaga magawang ma-control ng Optical Media Board ang piracy lalo na nga at mukhang na-overtake na sila ng makabagong teknolihiya.
Iyan bang ganyang piracy ay masasabi nating bahagi na ng ating “new normal”?
Rayver nakuha ang blessing ni Pilita
Halata mong tuwang-tuwa naman si Janine Gutierrez sa sinabi ng kanyang lolang si Pilita Corrales na kung siya ang tatanungin ay boto ba siya kay Rayver Cruz, na alam naman nating syota ni Janine ngayon.
Hindi lang binanggit ni Pilita ang mga nagustuhan niyang talents ni Rayver kagaya ng pagkanta at pagsasayaw noon. Nabanggit din niyang ang nagustuhan niya ay dahil close ang pamilya ng mga iyon, at nakikita niyang sama-sama silang nagsisimba kung araw ng Linggo.
Isa pa ngang factor siguro ay ang katotohanang kilala ng Asia’s Queen of Songs ang pamilyang pinagmulan ni Rayver. Ang angkan ng mga Cruz ay itinuturing ring haligi ng industriya ng musika dito sa ating bansa.
Cayetano tiniyak na tuloy ang pag-ere ng Channel 2
Tinitiyak ni House Speaker Allan Peter Cayetano ay walang makapagpapatigil sa ABS-CBN sa kanilang on the air broadcast kahit na mag-expire ang kanilang franchise sa Linggo.
Kakausapin din daw niya ang mga senador tungkol sa mga bagay na iyon.
Iyon din naman pala eh, bakit pinatagal-tagal pa iyan?