Isinama nina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho ang anak na si Scarlet Snow sa Pasig River cruise.
Eh sa latest vlog ni Dr. Vicki, nakuhanan ang galit na anak nang makita ang mga nakalutang na basura sa Pasig River.
Saad ni Scarlet sa vlog, “Next time I will bring my sword and I will put my sword in their faces. I am really mad at the people. I even almost wanted to cry.
“Pasig River is so dirty, look!”
Pagdating sa Escolta station ayon sa report ng GMA Network.com Twitter, na-meet ng pamilya at ang anak na si Cristalle sina Manila Mayor Isko Moreno at Department of Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat.
Naku, bata pa lang si Scarlet pero concerned na siya sa mga basura sa Pasig River, huh!
Rhea, lucky charm si Carlo
Taong 2013 ay kaibigan na ng Beautederm big boss na si Rhea Anicoche-Tan si Carlo Aquino. Eh bale pitong taon na ang friendship nila this year.
“So we are celebrating our 7th year. So ang ibig sabihin, pag seven na, forever na ‘yan. Malay mo, mag-aabay ako o ninang in the future. Ha! Ha! Ha!” pahayag ni Ms. Tan sa launching ni Carlo bilang ambassador ng bago niyang produkto na Spruce & Dash.
“Lagi kong sinasabi, si Carlo ang aking lucky charm. Yes, we now have 108 branches and he was the first ambassador nang mag-open ang first branch ng Beautederm and we’re stll together,” dugtong ni Ms. Rhea.
Mga essential products na kailangan ng mga kalalakihan. Nilikha ni Tan ang pangalan ng koleksyon base sa basic na kahulugan ng spruce bilang “neat in dress or appearance” at dash bilang “impetuous with flamboyant vigor and confidence.
Saad naman ni Carlo, inampon na siya ni Ms. Rhea simula nang magkakilala sila.
“Siyempre at thankful dahil user din ako ng Beautederm,” sey naman ni Carlo na nalula sa ibinigay na mediacon ni Rhea.