Marissa bilib kay Dan

MANILA, Philippines — Dahil pareho nang medyo in-active sa kanilang showbiz careers sina Marissa del Mar at kaibigan niyang si Cong. Dan Fernandez na kasalukuyang Deputy Speaker sa congress, sa kanilang recent meeting ay napag-usapan ng dalawa ang magandang proyekto para sa distrito ni Cong. Dan sa Sta. Rosa City, Laguna tulad ng housing at solar at na­ging productive ang nasabing meeting, kaya’t happy si Marissa at ang kanyang team.

Ang nasabing popular TV personality-businesswoman (Marissa) ang siyang chairperson ng National Real Estate Association (NREA).

Samantala matagal nang bilib si Marissa dito kay Cong. Dan, lalung-lalo na sa magandang pagpapatakbo ng Sta. Rosa City, Laguna noong alkalde pa ito rito.

Lalo raw naging progressive at dumami ang nagpatayo ng negosyo sa lugar na ito sa Laguna dahil sa guwapong actor-politician. Gusto siyang yayain ni Marissa sa kanilang Chanti Gem Jewelries na hindi nawawalan ng customer araw-araw at isa sa executives rito ay ang artistahing daughter ng TV host na si Princess Adriano.

Ang Chanti Gem ay located sa 2nd Floor ng Ayala Malls Manila Bay, Macapagal Boulevard, Parañaque City.

Show comments