Oww condolences sa pamilya ng founding member ng Hotdog band na si Dennis Garcia na namatay na rin last Saturday. Siya ay 69 years old.
Nauna nang namaalam ang older brother niyang si Rene Garcia noong 2018 na kasama niya sa kanilang banda na nagpasikat sa mga kantang Ikaw ang Superstar ng Buhay Ko, Manila, Annie Batungbakal, Bongga Ka Day, Langit na Naman, Beh Buti Nga at marami pang iba na hanggang ngayon ay familiar pa sa lahat at naririnig pa rin naman pag may pa-throwback party.
Kuwento nina Prince Harry at Meghan, talung-talo ang mga teleserye
Parang hindi ko pa napapanood sa Korean drama o local teleserye ang katulad na kuwento sa mag-asawang Prince Harry and American actress Meghan Markle.
Ang latest na pangyayari sa kanila, hindi na gagamitin ng Duke and Duchess of Sussex ang titles na His and Her Royal Highness matapos silang umatras bilang senior members ng Royal family.
Ito ang nakasaad sa statement ni Queen Elizabeth II sa naging desisyon ng apong prinsipe na pinakasalan ang isang American actress na diborsyada kung saan sila nagkaanak ng baby boy na pinangalanan nilang Archie.
“Following many months of conversations and more recent discussions, I am pleased that together we have found a constructive and supportive way forward for my grandson and his family.
“Harry, Meghan and Archie will always be much loved members of my family.
“I recognise the challenges they have experienced as a result of intense scrutiny over the last two years and support their wish for a more independent life.
“I want to thank them for all their dedicated work across this country, the Commonwealth and beyond and am particularly proud of how Meghan has so quickly become one of the family.
“It is my whole family’s hope that today’s agreement allows them to start building a happy and peaceful new life.”
Kung ang iba ay ang buhay ng dating actress ang pinapangarap, balitang magpapaka-normal sina Prince Harry and Meghan ng pamumuhay sa Canada kasama ang kanilang isang anak na lalaki.