^

Pang Movies

Mga hotlete na Pinoy, binabakuran na ng bading?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Mga hotlete na Pinoy, binabakuran na ng bading?!

Inis na inis ang isang talent manager, may mga iniispatan na pala siyang mga athlete ng Pilipinas na aalukin niyang maging model, “o kung ano man”. Pero lumalabas na lahat ng gusto niyang ispatan ay may “nakabantay” na. Kabilang ang isang sikat na bading na matinee idol na “nakabantay na sa isa”, at mukhang ayos na ang usapan.

“Itong mga artistang ito, director na rin ngayon. Dumidirekta na sa mga gusto nilang huntingin,” sabi pa raw ng dismayadong talent manager.

Luna Awards ‘nakuha’ ng FDCP

Mukhang maliwanag na ngayon sa amin kung bakit hindi na lang sinipot ng bagong director-general ng Film Academy of the Philippines na si Vivian Velez ang kanilang taunang Luna Awards na ginawa ilang gabi na ang nakararaan.

Naglabas siya ng isang statement ng kanyang pagkadismaya, na pati pala ang kanilang Luna Awards, na taun-taon naman nilang isinasagawa at siya sanang industry award sa Pilipinas katapat ng Oscars sa US, ay hinayaan pala ng mga dating opisyal ng FAP na mapunta sa Film Development Council of the Philippines, at sa nakaraang awards, hindi sila bahagi pati na ang kanilang mga electoral college ng desisyon.

Maliwanag na iyang nakaraan palang Luna Awards ay hindi galing sa FAP kundi sa FDCP rin.

Ang paliwanag naman daw ng FDCP, ngayong taon lang iyon dahil centennial nga ng Philippine Cinema. Pero hindi pa rin maliwanag sa amin kung bakit kailangan namang kontrolado ng FDCP ang award dahil lamang sa centennial celebration na sinasabi nila.

Mukhang pasok na iyang FDCP sa lahat ng mga award giving bodies. Kung hindi man sila katulong sa pagbibigay ng awards, sinasabing sila ay “sponsor” ng award giving body. Napansin namin iyan mga dalawang taon na ngayon eh. Gusto ba nila na ilagay sa ilalim ng regulation ng FDCP ang mga award giving bodies?

Ang FAP, bagama’t ang director-general ay karaniwang itinatalaga ng presidente ng Pilipinas ay binubuo ng mga pribadong guild. Noong itatag kasi iyan, ang nasa ideya ay iyong tripartite agreement na pinapasok ng labor, dahil nariyan ang mga manggagawa, ang mga kapitalista sa pelikula at ang gobyerno. Iyan ay batay doon sa “one union, one industry policy” noong araw para nga raw maiwasan iyong tinatawag na union raiding. Bukod doon, mabilis ang resolusyon ng mga problema sa labor, dahil nasa isang samahan na nga ang manggagawa, ang puhunan at ang gobyerno.

Palagay namin, wala naman talagang dahilan para ang isa pang ahensiya ng gobyerno, kagaya ng FDCP ay makialam pa sa FAP.

Mark at Carlos nili-’link’

Ikinatuwa ng SEAGames gold medalist na si Carlos Yulo ang pag-“follow” sa kanya ng singer na si Mark Bautista. Siguro parang starstruck din si Caloy kaya nag-post pa siya na nag-follow nga si Mark at inilabas niya ang screenshot ng pag-congratulate sa kanya.

Aba eh wala pa naman sa showbiz iyong bata, pero nag-react na ang ibang mga tao sa bagay na iyon. Binibigyan pa ng malisya ang pag-follow ni Mark.

Bakit hindi ba kahanga-hanga naman ang mga nagawa ni Caloy para matuwa at mag-congratulate sa kanya si Mark Bautista?

Ano nga ba ang masama roon?

LUNA AWARDS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with