Masayang-masaya ang mga supporter ni Sen. Bong Revilla sa balitang magiging aktibo na itong muli sa pag-aartista.
Usap-usapang isang serye na ang inihahanda para sa kanya ng GMA-7 na gagawin next year.
Samantala, pinangangambahan naman na baka mapabayaan niya ang kanyang trabaho sa senado kung serye nga ang kanyang gagawin. Siguro naman ay hindi ito isang continuing series, marahil ay isa lamang yun na weekly presentation.
Bago ito, mapapanood din daw ang aktor-pulitiko bilang guest sa The Gift ni Alden Richards.
Pagbubuntis ni Anne malaking issue sa showbiz
Well-loved talaga si Anne Curtis, isa lamang siya sa maraming artistang nagbuntis na, pero ang kanyang pregnancy ang lumikha ng pinakamalaking ingay sa fans ng showbiz.
Like ng mga manonood ng It’s Showtime ang kanyang pagiging emosyonal dahilan sa kanyang bagong estado. Tinanggap nila ng masaya at walang pagkukunwari ang kanyang pag-amin sa kanyang kalagayan.
It seems na lahat ay masaya sa pagiging soon-to-be-mom niya, lalo na ang pangyayaring hindi nakaapekto ang kanyang pagbubuntis sa ipinamalas niyang professionalism sa buwis buhay niyang performance sa nakaraang 10th annniversary show ng It’s Showtime.
Yen gustong makatambal sa Anne sa isang lesbian film
Napag-uusapan na rin si Anne, ayon kay Yen Santos, dream partner daw niya ito para sa isang kuwento tungkol sa lesbianism.
Willing si Yen na gumanap bilang isang lesbyana pero si Anne ang gusto niyang makapareha. Bilib daw kasi si Yen sa kakayahan ni Anne sa paggawa ng ganitong movie, at sure raw siya na magiging comfortable siya kapag ito ang makakapareha niya.
Starla patok pa rin kahit luma na ang concept?!
Matapos ang mahabang paghihintay, hindi naman binigo ng seryeng Starla ang mga manonood. Nagustuhan nila ito dahil sa magandang concept, na kahit luma na ay tinatangkilik pa rin nila.
Sino ba naman ang tatanggi sa ganitong panoorin? Idagdag mo pa na comeback vehicle ito ng reyna ng drama na si Judy Ann Santos. Plus, magagaling din ang mga batang bida na sina Jana Agoncillo at Enzo Pelojero.
Maganda ang chemistry ni Joel Torre sa mga bata.
Baka nga ito ang magsimula ng isang panibagong genre sa TV, tungkol sa simpleng kuwento ng pag-asa.