^

Pang Movies

Barretto sisters, lapastangan!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Barretto sisters, lapastangan!
Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto

Nakakaloka kayo, Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto, ang gaganda ninyo, nakapag-aral kayo, pero nilaspatangan n’yo ang inyong yumaong ama na si Mr. Miguel Barretto.

Ipinakita n’yo sa publiko ang inyong kabastusan. Saan ka nakakita ng patay na ang sariling magulang eh nag-aaway-away pa ang mga anak. Dapat nga ay parang reunion ang nangyayari kapag may namamatay na miyembro ng pamilya eh.

Para kayong mga pusang nagsasakmalan, nakakahiya kayo. Kawawa naman Si Mr. Barretto na nasa loob ng kabaong.

Pati si Pangulong Rodrigo Duterte ay nakiawat pa sa bangayan n’yo. Mga bastos kayo, dapat sa inyo hilahin ang mga tinggil!

Anyway, may your soul, Sir Barretto, rest in peace!

Tapos, sasabihin n’yo unawain kayo? Ewan bahala na si Lord na parusahan kayo! Kawawa naman si Ma’am Inday Barretto wala siyang lakas para awatin ang kanyang mga anak.

Maymay generous!

Saludo ako kay Maymay Entrada na produkto ng Pinoy Big Brother. Hindi siya kagandahan noon, pero ang laki ng ipinagbago niya ngayon. Ang ganda-ganda na niya at marami pang raket, pero ang mas ikinahahanga ko sa kanya ay ang pagiging mapagmahal sa magulang.

Ibinili niya ng house & lot ang nanay niyang nasa Japan at pagkakakitaang negosyo para sa lahat ng kanyang mga kamag-anak. ‘Yung isang tito niya nga ay binilhan pa niya ng tricycle. Hindi maramot.

Alden matagal nang gustong magnegosyo

Noon pa nasabi ni Alden Ri­chards na kapag siya ay nagtagumpay sa pag-aartista ay talagang papasukin niya ang pagnenegosyo, at ngayon nga ay natupad na ang kanyang matagal nang pangarap. Meron na siyang franchise ngayon ng Mcdo at balitang may bago rin siyang itatayong restaurant.

Ang dami niyang endorsements at TV Shows ngayon, pati na sa movie na umabot na sa bilyon ang kinita, ang Hello, Love, Goodbye nila ni Kathryn Bernardo.

Personal…

Belated happy Birthday Ramon Romeng Coquia, Oct 18, 2019

God Bless us all!

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

GRETCHEN

MARJORIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with