^

Pang Movies

Mga namimirata ng mga pelikula super high tech na rin

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nakibahagi rin ang mga pirata sa mala­king kinikita ng pelikulang Hello, Love, Goodbye. Wala silang pakialam kahit warningan pa sila ng Star Cinema na krimen ang mamirata ng pelikula.

Sa totoo lang, nag-evolve na rin ang pamimirata ng pelikula. Dati ay napipirata ang movies sa mga sinehan kaya medaling nasasalin sa CDs/DVDs.

Pero ngayon, may iba’t ibang paraan nang ginagawa ang mga pirata. Minsan, nakukuha ang buong movie sa online o di kaya sa Facebook at internet.

Kahit hindi malinaw ang kopya, solved na rin sila dahil mura ang bayad o minsan ay libre pa, huh!

Ang piracy ang isa sa problema ng producers na hindi pa rin magawang solusyunan hanggang ngayon!

Andrea umamin sa mga naranasang ‘breakdowns’

Nasuklian ng mga paghihirap noon ni Andrea Brilliantes bago dumating ang biggest break niya sa Kapamilya series niyang Kadenang Ginto.

“Alam ‘yan ng family ko kung paano ako naghirap, breakdowns, sa CR ng ABS, ang dami ko talagang pinagdaanan kaya naman bawat blessing, tsini-cherish ko talaga.

“Sobra akong nagpapasalamat kay Lord at lagi kong sinasabing hindi ko ito pababayaan. Sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa akin ngayon,” pahayag ni Andrea sa mediacon ng bago niyang movie na The Ghosting mula sa Reality Entertainment.

Kasama ni Andrea sa movie si Khalil Ramos. ‘Yun nga, walang love angle sa kanila dahil lumalabas na guardian siya ng young actress.

Kaya naman walang dapat ipagselos ang girlfriend ni Khalil na si Gabbi Garcia sa tambalan nila ni Andrea, huh!

vuukle comment

ANDREA BRILLIANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with