Dalawang personality ng isang daily show, live in na

Sabay na nagre-report ang dalawang showbiz personalities na ito sa kanilang daily show.

Yes, magka-live-in na kasi ang dalawa.

Ang mga kasama nila sa show, panay ang tukso sa kanila.

Ang ka-live-in ang dahilan kung bakit sobrang saya ngayon ng sikat na sikat na showbiz persona­lity.

‘Yun na!

Kapamilya stars may salpukan sa New Jersery

Ang Kapamilya Fiesta World ng TFC (The Filipino Channel) at ABS-CBN Regional sa August 11 sa Newark, New Jersey.

Sina Kim Chiu, Enchong Dee, Pooh at Maja Salvador ang tampok doon.

A day before naman, gaganapin sa Secaucus, New Jersey ang Fiesta In America 2019 (two-day event ito at katapat din ‘yung sa Kapamilya Fiesta World ng August 11) na kung saan ay tampok naman sina Yam Concepcion at JC de Vera.

Hindi raw Kapamilya network ang producer nung kina Yam at JC at ticketed event ‘yon at free lang daw ang Kapa­mil­ya Fiesta World (tama kaya ang tsikang ito?).

Magkaapektuhan kaya ang dalawang event?

Naku, pare-parehong Kapamilya stars pa naman ang tampok sa New Jersey events.

Na-sad nga si Albert Medina Sunga na siyang nag-book kina Yam at JC.

Oo nga pala, wala raw problema na aalis si Yam para sa nasabing event dahil walang conflict sa taping ng Love Thy Woman dahil nauna namang tanggapin ‘yon ng Viva Artists Agency bago pa dumating ang teleserye ng ABS-CBN dahil pumalit lang naman ang aktres sa nag-resign na si Erich Gonzales.

Si JC naman, noon pa blocked-off ang schedule bago pa raw nag-extend ang The Generals’s Daughter.

Jeron at GF sinamahan ng mga magulang sa Taiwan

Si Jeron Teng kasama ang kanyang girlfriend na si Jeanine Tsoi sa Taipei, Taiwan ng apat na araw. Kahapon lang sila nakabalik sa bansa.

Kasama rin nila ang parents ni Jeron, sina Alvin at Susan, pati ang ate niyang si Alyssa.

Nakapagbakasyon si Jeron dahil walang practice ang PBA team niya na Alaska Aces.

Hindi naman nakasama sa kanila si Jeric Teng dahil may practice at game siya para sa MPBL (Maharlikang Pilipino Basketball League).

Show comments