Eric nag-iipon para sa pagpapa-in vitro ng misis
Alam mo, Ateng Salve, na-happy ako nang mag-message sa akin ang ABS-CBN comedian na si Eric Nicolas at ikuwentong may regular series na naman siya, ang Killer Bride.
Magkasama sila sa taping ni Eddie Gutierrez nang mag-text sa akin si Eric.
Naging close kasi namin ni Richard Gutierrez si Eric nang mag-TFC (The Filipino Channel) show kami sa Canada last year.
Going back to his new regular series, masaya ako for him dahil malaking tulong ‘yon para madagdagan ang budget nila ng kanyang misis sa balak na magpa-in vitro dahil gusto na nga nilang magkaanak.
Noong campaign kasi para sa mid-term elections ay hindi nakatanggap ng regular TV series si Eric dahil naging abala siya.
Sinamantala niya ang pagho-host sa mga campaign dahil malaki rin ang bayad niya doon at makakapag-ipon nga sila para sa binabalak nilang pagpapa-in vitro ng kanyang misis.
So, tuloy na ba ‘yon?
“Baka sa Bahrain. Kilala ng friend ko ‘yung doctor na Chinese na based doon,” sabi sa akin ni Eric.
Dalawang binata ni Manny sumasama sa ensayo sa US
Ang mga anak ni Manny Pacquiao na sina Michael at Jimuel Pacquiao sa Pan Pacific Park noong Tuesday morning.
Abala ang magkapatid sa pagba-basketball kasama ang members ng Team Pacquiao.
Kasama ang magkapatid sa pagti-training ng kanilang tatay sa Los Angeles, California. Kasama rin sila sa July 21 boxing fight ng tatay nila against Keith Thurman sa MGM Grand Arena, Las Vegas, Nevada.
That day na nasa Pan Pacific Park sila ay hindi nakapunta ang ating Pambansang Kamao.
- Latest