Bahay ni Jo In-Sung at condo unit ng Song-Song couple, madaling ‘pasyalan’
Dahil sa pagod ko sa mga malalayong lugar na pinuntahan natin Salve, talagang straight sleep ang beauty ko sa last night natin sa Seoul, South Korea.
Bongga ang biyahe natin dahil nakita ko ang bahay ni Jo In-Sung, ang condominium unit ng Song-Song couple sa Gangnam, ang pagkain natin ng tusok-tusok sa food court na palaging kinakainan ni Lee Jung So at ang mall na madalas pasyalan ni Nam Joo Hyuk.
Napagod ako dahil sa kahahabol sa mga Korean idol natin. Mabuti na lang, may massage chair sa hotel na inaangkin ko for thirty minutes.
Hindi ko rin malimutan ang complete details ni Rose tungkol kay Lee Seung Gi. Bongga talaga, kaloka, turistang-turista ang dating.
Sure ako na pati sina Aileen Go at Elena Budingding ay napagod sa dami ng mga pinuntahan natin Salve pero maligaya na natulog si Rose dahil na-kiss siya ni Lee Seung Gi at niyakap ako ni Jo In-Sung pero sa panaginip lang. Hahaha.
Sarah deserve ang best actress
Congrats sa aking favorite singer-actress na si Sarah Geronimo dahil win siya ng Best Actress sa 35th Star Awards for Movies noong Linggo.
Sayang hindi nakadalo si Sarah dahil hindi naman niya inaasahan na mananalo siya para sa acting niya sa Miss Granny.
Deserving na manalo si Sarah dahil ang husay-husay nila ni Nova Villa sa Miss Granny. Si Sarah ang gumanap na young Nova sa Philippine adaptation ng sikat na Korean movie at pareho sila na nominated dahil best supporting actress nominee naman si Nova.
Veteran stars swerte sa dami ng pelikulang nagawa
Marami naman ang nanghihinayang dahil hindi rin nakadalo sa Star Awards for Movies sina Susan Roces, Nora Aunor, Vilma Santos, Anita Linda at Manila City Mayor Joseph Estrada na mga awardee ng Natatanging Bituin ng Siglo.
Labindalawa ang awardees pero pito lamang ang nakasipot, sina Eddie Garcia, Gloria Romero, Christopher de Leon, Phillip Salvador, Tirso Cruz 111, Niño Muhlach at Ramon Revilla, Sr.
Mas bongga sana at magandang tingnan kung kumpleto ang mga pinarangalan na Natatanging Bituin ng Siglo na binigyan ng standing ovation.
Bihira at mahirap pagsama-samahin ang mga nabanggit na artista dahil sa kanilang mga busy schedule. Hindi na rin mauulit ang ganoong okasyon dahil ngayong 2019 lamang ang pagdiriwang ng Centennial Year ng Philippine Cinema.
Nakakatuwa nga dahil kahit matagal nang may sakit, dumalo pa rin si Mang Ramon, kasama ang halos lahat ng kanyang mga anak.
Si Bong Revilla, Jr. ang nagtutulak sa wheelchair ni Mang Ramon na sinamahan niya hanggang sa stage kaya parang awardee rin siya.
- Latest