Rachel at Raymond nag-audition para maging Mr. & Mrs. Quezon de Leon
Now 45 years old, looking good si Rachel Alejandro and was in her element nang harapin nila ni Raymond Bagatsing kasama ang iba pang involved sa production ng Quezon’s Game ang members of the entertainment media.
Maaliwalas din ang hitsura ng kanilang director na si Matthew Rosen sa ginanap na presscon sa Dolphy Theater, inside the ABS-CBN compound noong Tuesday.
Ang Quezon’s Game ay pelikulang magtatampok sa isang mahalagang chapter sa buhay ng dating Presidente ng Pilipinas, na ‘di natin nababasa sa history books.
Ito palang si Presidente Quezon ay naging dahilan ng pagkakaligtas ng mga Jewish refugees mula sa ghettos ng Germany at Austria noong 1938.
In any case, the production firm, Kinetic, who did movie, chose to have Raymond play President Quezon. Tapped naman to play Mrs. Quezon is Rachel.
“But, like Raymond,” kuwento ni Rachel. “May role as President Quezon’s wife was not handed to me on a silver platter.
“Like Raymond, I had to audition for the part. And thank God, I got it.
“And filming it, proved an ultra nice experience to remember,” tukoy pa ni Rachel.
Mapapanood na ang Quezon’s Game sa local theaters sa May 29. Ang ABS CBN’s Star Cinema ang magri-release dito.
Samantala, common knowledge na isa ring singer si Rachel na anak ng sikat na singer na si Hajji Alejandro. Kasama siya sa mga bumida sa pelikulang Ang Larawan.
Married siya sa foreign journalist at wala pang anak.
Edu hindi ka-join sa Portugal nila Anne
Wala palang kukunang eksena sa Portugal, (location ng Just A Stranger), co-starring Edu Manzano with Anne Curtis and Marco Gumabao, si Edu.
Actually daw, sabi ng Viva Films insider, dito sa Pilipinas kukunan ang maraming eksena ng Just A Stanger. Magkakakilala lang sina Marco at Anne sa Portugal.
“Ganun ang simula ng kuwento,” pahayag pa ng aming kausap.
Nanatili pa ring quit and calm si Edu sa nangyaring kaganapan sa eleksyon.
Gerald may tinatanaw na utang na loob kay Kim
As far as Gerald Anderson is concerned, walang problema sa kanya na makatrabahong muli sa isang project si Kim Chiu. After all, naniniwala raw siyang malaking dahilan si Kim kung bakit tinatamasa niya ngayon ang kung anumang magandang bagay na dumating sa buhay niya.
Common knowledge na nasa loob pa lamang sila ng bahay ni Kuya, sa isang episode ng Pinoy Big Brother (PBB), they were a tandem to watch na. Ito rin ang dahilan kung bakit successful ang lahat ng mga pelikula nila.
Open book kung bakit nabuwag ang loveteam nila.
But somehow, too, nakabuti ito individually sa kanila, as they are now stars in their own respective right.
Pareho rin silang busy ngayon. Aside sa ilang successful businesses na kanyang naitayo, kabilang na ang isang gym, heto at patuloy siyang tumatanggap ng mga showbiz offer.
Siya ang leading man ni Julia Barretto sa currently showing na Between Maybes.
Kim will soon star in a movie, too. Host din siya ng It’s Showtime at Pinoy Big Brother (PBB) Otso.
They are now both happily in love, too. Gerald with Bea Alonzo, Kim with Xian Lim.
Aiko at Jomari, parehong masaya ang kapalaran
Happy both ang dating mag-asawang sina Aiko Melendez at Jomari Yllana sa naging ending individually para sa kanila ng katatapos na midterm elections.
Nanalo bilang Vice Governor ng Zambales ang boyfriend ni Aiko na si Jay Khonghun.
Nanalo muli si Jomari as councilor ng 1st district ng Parañaque City.
Two other showbiz personalities na elected muli as councilors ng nabanggit na siyudad ay sina Vandolph Quizon (first district din) at Ryan Yllana (second district).
- Latest