Home Sweetie Home papalitan na rin ang title
Confirmed na raw na magiging bahagi na si Alex Gonzaga (Toni Gonzaga’s younger and only sibling) sa pagre-reformat ng sitcom na Home Sweetie Home.
Narinig din namin na baka papalitan pati ang title nito pero si Edgar Mortiz pa rin daw ang siyang direktor.
Sina Vhong Navarro at Bayani Agbayani naman ang napapabalitang idadagdag sa cast.
The rest of the cast na mainstays na ng sitcom, after ‘mawala’ ni John Lloyd Cruz, followed by his supposed replacement, Piolo Pascual, are Ogie Alcasid, Rufa Mae Quinto and Empoy Marquez.
Original members of the cast na mare-retain pa rin ay sina Miles Ocampo, Clarence Delgado at Jobert Austria.
Sina Toni at Alex ay magkasama ngayon sa Pinoy Big Brother: Otso bilang mga host.
James at Moira namumutakte ng pamba-bash sa pagiging judge
Isa sa apat na judges ng Idol Philippines, consisting of Vice Ganda, Regine Velasquez, Moira dela Torre and James Reid, na waring reluctant madalas na ibigay ang kanyang ‘yes’ sa contestant ay si James.
Nakakatanggap tuloy siya ng comment na siya nga rin mismo ay hindi naman ganun kagaling sumayaw at kumanta, some even wonder kung makakapasa siya kung halimbawang siya ang contestant.
Sa kaso ko, parang hirap na hirap akong hintayin ang sagot na yes or no na verdict ni Moira sa isang contestant. Ang bagal niyang mag-isip at magsalita.
Well, observation lang ito ng isang pinanonood ang show.
Alden at Kathryn nag-waiter at bartender sa HK!
As both Kathryn Bernardo at Alden Richards plays OFWs (Overseas Filipino Workers) on their first team-up, Hello, Love, Goodbye, naranasan ni Kathryn ang maging waitress, at si Alden naman bilang bartender.
Hindi raw pala madali at magaan ang mga trabahong nabanggit. Kaya naman bonus nilang maituturing if they get tips for their services sa mga pinagsisilbihan nilang customers.
Added income nga naman ito aside sa buwanang suweldong kanilang natatanggap, na of course, compared sa kikitain nila dito sa Pilipinas for the same work, ay higit na malaki.
Ganunpaman daw, ayon kina Kathryn at Alden, halata sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa Hong Kong ang lungkot na kanilang nadarama considering nga naman that they are away from their families.
Hello, Love, Goodbye, produced by Star Cinema and with Cathy Garcia-Molina directing, will be shown before the year ends.
Direk Erik impressed sa ginawa ni Sharon
Horror din pala ang The Heiress, which will mark the first team-up nina Maricel Soriano at Janella Salvador. In the cast, too, is McCoy de Leon.
Obvious na partial sa paggawa ng horror films ang ating local producers, considering that Sharon Cuneta’s first movie na ire-release this year, Kuwaresma, co-produced by Reality Entertainment and Globe Studios, will see her na nanakot to the max, her first ever na gagawin sa pelikula.
Kuwaresma, which supposedly happen during the Lenten season ay kinunan ang kabuuan sa Baguio City. The setting alone ng movie, according to the film’s director, Erik Matti, ay nakakatakot na. Nag-serve ito ng big come-on for Sharon, who has for her leading man for the first time John Arcilla. Also in the cast are siblings in Real-life, Pam and Kent Gonzales na gumaganap na mga anak ni Sharon.
Impressed daw si direk Erik Matti sa performance at kakaibang kooperasyon ni Sharon. Never daw na pina-feel ni Sharon sa kanya, at sa kanyang mga katrabaho na nakaka-angat siya sa kanila, considered nga naman that everybody takes to her as a superstar.
Kuwaresma is earmarked for release May 15. This year marks Sharon’s 40th year in showbiz.
Maledicto malungkot ang kapalaran
Obviously as well, ang malungkot na balitang the horror flick, Maledicto, currently showing in theaters nationwide, didn’t do well sa takilya does not bother everyone involved sa production ng Kuwaresma.
Puwede nga namang iba ang gagawing pagtangkilik ng manonood sa Kuwaresma, kahit pa sabihing ang Maledicto is produced by Fox International and stars several named local performers, too, such as Tom Rodriguez, Jasmine Curtis-Smith, Miles Ocampo, Eric Quizon, Franco Laurel, Mon Confiado at Liza Lorena, among others.
Maledicto has for its director Mark Meily.
- Latest