Meron nang sarili niyang production house and multi talent na si Teri Aunor pero mas nakilalang impersonator ng Superstar na si Nora Aunor. Itinatag niya ang Teri Aunor Entertainment Services o TOES. Layunin ng TOES na bigyan ng pagkakataon ang maraming deserving na magkaroon ng trabaho sa pamamagitan ng mga pelikulang gagawin niya at sa mga concert na isasagawa niya.
Concert ang uunahin niya na tatampukan ni Anton Diva. Magaganap ito sa Cuneta Astrodome sa direksyon ni Peter Serrano.
Inaasahan na ang pagpupunyaging ito ng naging Board Member ng Bataan ay magbigay inspirasyon sa mga tulad nilang beki, at magbigay trabaho rin sa idolo ni Teri sa pelikula at concert.
Gary, Maja at Billy walang-wala sa paghuhurado nina J.Lo, Ne-Yo at Derek Hough!
Napanood ko ang isang original na episode ng The World of Dance nina Jennifer Lopez, Ne-Yo at Derek Hough. Hanep silang mag-judge, malupit! Magagaling na iyong mga sumasali pero hindi pa nila pinalalampas.
Ang gusto ko sa kanila, hindi nila pinaiiral ang puso, yung nakikita ng mga mata ang nakakalusot. Yung sa local version natin madalas, the hearts dictate. Basta maganda at nakakaiyak ang kuwento, puwede nang manalo. Paano pagdating ng mga Pinoy sa international competition baka mahirapan sila.
Paging Gary Valenciano, Maja Salvador and Billy Crawford, konting higpit naman.
Maraming artista nagpaka-generous sa Mowelfund
Matagumpay at masaya ang ginanap na 45th anniversary celebration ng Mowelfund. Bukod sa nagkaro’n ng medical at dental services, at libreng gamot, malaki ang naging pa-raffle sa mga members na in-enjoy nila dahil hindi naging maramot ang mga nag-donate ng prizes tulad nina Sen. Grace Poe, Sen. Tito Sotto at Cong. Vilma Santos. Naging masipag din ang mga namumuno ng Mowelfund na sina Pres. Boots Anson Roa Rodrigo, Chairman Marichu Perez Maceda, Gina Alajar, Rez Cortez, Fr. Larry Faraon, Julius Topacio, Jaime Balthazar, Boy Vinarao, Atty. Roderick Vera para magawang masaya ang selebrasyon.