Mga kandidatong may fans, mas malakas ang hatak

Palapit na nang palapit ang buwan ng May, makasaysayan at nakakakabang-araw na naman para sa mga kakandidato sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno.

Ang mga artista ay hulapot sa kanilang pakikipag chikahan sa madlang people para sa alok na serbisyo kapag nakahalal na sila.

Masuwerte sila Bong Revilla at Jinggoy Estrada na dati nang mga senador, isama pa rito sina JV Ejercito, Janella Estrada, Jiggy Manicad, Edu Manzano, at iba pang may mga hugot na sa fans. Nariyan din ang mag-amang Lito Lapid at Mark Lapid, Vico Sotto, VM Joy Belmonte, Yul Servo at iba pang showbiz and TV personalities.

Sa Sta. Rosa City, Laguna, ang handsome and workaholic mayor na si Dan Fernandez ay kandidato na sa pagiging congressman. Ang First district of Laguna na papalit naman sa kanya ay ang dating mayor din na si Congresswoman Arlene C. Arcillas at si Vice Mayor Arnold C. Arcillas. Napakaganda ng record nila simula nang silang tatlo ang naging kaagapay ng gobyerno sa Laguna city.

Bahala na kayo, kung sino ang gusto ninyo, pulsuhang mabuti ang kandidatong inaakala ninyong makatutulong sa ating bansa.

Local peanut butter at bagong tayong restaurant, dinarayo!

Champion talaga ang peanut butter na paborito ni Boy Abunda na dina-daliri niya at hinihimod-himod pa, ang Ehje ni Jennilyn Antonio. Mga binayong mani ang siyang nagpapasarap sa nasabing palaman, at dahil din sa Ehje Peanut Butter, nakilala ko si Jolina Magdangal. Malayo na ang narating ng Antonio family. May bake shop, restaurant, sari-sari store (mini grocery) na sila. At ito ay dahil sa mani ni Jenny.

Take note may branch na siya sa Aklan Province kaya ang suwerte talaga!

Hindi mo alam kung kailan darating ang suwerte.

Masarap din ang bagong bukas na Reese Kitchen na pag-aari naman ni Cecile and family. From rags to riches talaga, specialty ng Reese ang Filipino food, pero champion ang kanilang Lucban longganisa pizza, ang sarap! Ayaw  nilang sabihin ang sikreto nito.

Show comments