Yasmien hindi marunong magdamot
Hindi ko puwedeng palampasin ang presscon ng Hiram Na Anak dahil si Yasmien Kurdi ang bida sa bagong morning drama series ng GMA-7.
Kapag si Yasmien ang may presscon, looking forward ang entertainment press dahil literal na nararamdaman nila ang haplos ng pagmamahal ng aktres na isinilang na generous kaya very good ang karma.
Sa true lang, bibihira sa mga kabataan na aktres ang kagaya ni Yasmien na marunong mag-share ng blessings kaya ten folds ang balik sa kanya ng mga natatanggap na biyaya.
Intriga free ang buhay ni Yasmien, top rater ang lahat ng mga show niya sa GMA-7 at higit sa lahat, kinaiinggitan ang kanyang successful married life.
Nagawa ni Yasmien na isakripisyo ang career dahil sa pagmamahal niya kay Rey Soldevilla, Jr. pero hindi naman siya nagkamali sa kanyang desisyon.
Responsible husband and father si Rey at supportive ito sa acting career ni Yasmien na kahit busy sa showbiz, nagawa pa na ipagpatuloy ang naudlot na pag-aaral kaya malapit na siyang magkaroon ng college course. Kung nagagawa ni Yasmien na maging super woman dahil napagsasabay niya ang pagiging home maker at aktres, kayang-kaya rin ito na gawin ng ibang mga artista na pinaiiral ang katamaran at pagpapasosyal.
Bayad-buhay sa maliit na bagay…
Parang ang dali-dali na lang ng buhay ngayon. Puro patayan ang nababasa natin na balita sa mga diyaryo at napapanood sa TV.
Pinatay ang kapatid dahil inubos ang ulam, pinatay dahil ayaw makipagbalikan sa boyfriend, pinatay dahil sa walang kakuwenta-kuwentang mga bagay. Ganoon lang, mawawalan ka na ng buhay? Hindi na talaga iginagalang ang buhay ng tao? Ganoon na lang kasimple?
Ano nang mentality meron tayo para hindi irespeto ang buhay ng tao at patayin mo ito dahil lang sa ulam? Iba na ang kultura natin ngayon, bayad-buhay sa maliit na bagay?
Kailangan na natin isipin ang mga nagaganap sa paligid. What lead a person to just snap and kill. Bakit? Bakit?
Grow old with you…
Pinaka-romantic na para sa akin ang makita ang dalawang senior citizens na nagsisimba together at holding hands kapag nagdasal ng Our Father. Parang sina Boots Anson Rodrigo at Atty. King Rodrigo lang sila.
It is so romantic to see love at that age. They grow together and becoming old with each other.
Ang ganda-ganda ng feeling kapag nakikita ko sina Barbara Perez at Robert Arevalo, Ronaldo Valdez at ang asawa nito, ang namayapang sina Tita Midz at Atty. Leonardo Siguon-Reyna.
Hindi pa nga romantic sa akin ang young couples na may public display of affection dahil bata pa sila kaya parang showy pa.
What is so romantic is when you see old couples holding hands, gazing into each other’s eyes lovingly at talagang tested by time na.
Siguro nga, if you go to church and hear the Holy Mass together, you make God the center of your relationship kaya stronger at matagal ang relasyon.
Meron silang faith that hold them together, that binds them stronger. Hay, tell me, ‘di ba sarap makita na maputi na ang buhok nila, kulang na ang mga ngipin, may hearing aids na pero mahal pa rin ang isa’t isa? ‘Yan ang tunay na love.
- Latest