^

Pang Movies

Julio nasa kulungan pa rin, may iniindang sakit sa balat

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Julio nasa kulungan pa rin, may iniindang sakit sa balat

Dinalaw si Julio Diaz ng dati niyang manager na si Ihman Esturco sa Bula­can Provincial Jail sa Malolos, Bulacan.

Ilang buwan na ring nakakulong doon si Julio dahil sa diumano’y drugs involvement.

May sakit nga raw sa balat si Julio, pero ayon sa entertainment editor na si KC Guerrero na kasama nilang dumalaw roon, tumutulong naman daw sina Ihman at Coco Martin sa gastos sa medicines ni Julio.

Dati ring naging manager ni Coco si Ihman.

Janine ayaw na ayaw matatanong kay Rayver

Ang Dragon Lady ang bagong primetime series ni Janine Gutierrez at mali ang hula ng iba na ipapareha na siya ng GMA-7 sa real life boyfriend niyang si Rayver Cruz (wala pa naman silang official na pag-amin, pero obvious naman na may relasyon sila).

Si Tom Rodriguez ang makakapareha ni Janine sa Dragon Lady.

Sa pelikula naman, si Janine ang pang-buena mano ng Regal Entertainment, Inc. dahil sa January 23 na ang showing ng Elise movie nila ni Enchong Dee.

Going back to her relationship with Rayver, hindi maaasahang si Janine ang unang magsasalita tungkol doon.

Kahit tungkol sa bakasyon nila sa Los Angeles, California kamakailan ay quiet lang si Janine at hindi masyadong nagkukuwento.

Sabi naman ng isang ka-close ng dalaga, better daw kung si Rayver ang tatanungin tungkol doon na nag-post na ng photo nila ni Janine sa bakasyon nila.

Say buntis na uli!

Buntis pala ang PBB (Pinoy Big Brother) alumna na si Say Alonzo.

Tsika sa akin ni Say, 29 weeks na ang ipinagbubuntis niya at sa March daw siya manganganak.

Ang panganay niyang si Asher (na inaanak namin ni Sam Milby na best friend din ni Say) ang excited na magkakaroon na siya ng kapatid.

Panay nga raw ang practice ni Asher ng pag-aalaga ng baby.

Cedric Lee kilala pa rin

Ang controversial businessman na si Cedric Lee sa EDSA Shangri-La kahapon.

In fairness, nare-recognize ng mga tao si Cedric.

Kilala rin si Cedric dahil ex niya si Vina Morales at may anak sila, si Ceana.

Nang makita ni Cedric ang isang showbiz personality na kasama ko ay lumapit at bumati siya rito.

vuukle comment

JULIO DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with