Empress nanghinayang na ‘di natikman si Daniel

Empress

Si Daniel Matsunaga ang leading man ni Empress Schuck sa pelikulang Kahit Ayaw Mo Na na kasalukuyang palabas ngayon sa mga sinehan mula sa direksyon ni Bona Fajardo. Pabiro ngang sabi ng aktres, sayang nga raw at wala silang love scenes.

Pero ang talagang hindi makakalimutan ni Empress sa pelikula, pati na rin ng mga co-star niyang sina Andrea Brillantes at Kristel Fulgar ay ang pag-e-enjoy nila habang sinu-shoot nila ito sa Samar.

First time makapunta ni Andrea sa Samar at ang sobrang na-enjoy daw niya ang San Juanico Bridge at ang bonding nila roon since 14 days silang nag-stay sa nasabing lugar.

Ang challenging part lang daw sabi ni Kristel ay ang malayo sila sa pamilya nila for two weeks. Pero naging parang pamilya naman daw ang samahan nila habang nagsu-shoot.

Sabi naman ni Empress, ang enjoying part daw ay nakawala sila sa Manila na puro usok, ingay at trapik. Napakatahimik daw ng Samar at fresh pa ang hangin.

Still showing pa ang Ang Kahit Ayaw Mo Na na kwento ng tatlong babae na sina Joey, Mikee at Ally na pare-parehong hahatakin ng nakaraan patungo sa napakagandang probinsya ng Samar.

Si Empress ay si Joey na isang designer, travel blogger naman ang role ni Kristel and aspiring composer naman si Andrea.

Isang malaking plus factor sa movie ay ang official soundtrack ng movie na may parehong titulo mula sa This Band.

Sunshine gusto na ng mas matalino ‘pag nag-asawa uli!

Isang hiwalay sa asawa ang ginagampanan ni Sunshine Dizon sa Rainbow’s Sunset tulad din ng sitwasyon niya in real life. ‘Yun nga lang, sa pelikula ay may karelasyon siyang mas bata sa kanya na ginagampanan ni Albie Casiño.

In real life, hindi naman daw niya masabing hindi siya magpapa-cougar dahil hindi naman natin sure ang mangyayari in the future.

“Ang hirap kasing magsalita, dahil alam mo ‘yun, I’m in a situation wherein, bakit hindi kung may magmamahal sa ‘yo?

“Pero ako, to be honest, ayoko ng bata, ayoko, sa totoo lang. Gusto ko, someone older. Gusto ko, kung mag-aasawa ako uli, someone naman who will take care of me na ako naman ‘yung baby. Gusto ko ma-feel ‘yun. Oo, totoo,” sey ni Sunshine.

Ayaw na rin daw niya ng ka-edad niya. She’s 35 right now at gusto niya, someone who’s 40-45 naman daw.

“Basta ma-feel ko na ako naman ang reyna, ako ‘yung prinsesa, he will pamper me, he will take care of me, ‘yun ang gusto ko. Ayoko na ‘yung ako ang nagdedesisyon lahat, masakit sa ulo!” natatawa pang pahayag ng aktres.

Two years older si Shine sa kanyang asawang si Timothy Tan kaya next time raw na magmahal siya, gusto naman daw sana niya ay mas matanda na sa kanya.

“Para naman nai-stimulate ang brain cells ko kapag nag-uusap. hindi ba? Hindi ‘yung . . .ang hirap, eh, kasi alam mo, mas mabilis mag-mature ang babae kaysa sa lalaki kaya mas maganda ‘yung medyo may edad nang kaunti.”

Anyway, sa darating na Kapaskuhan ay baka kanya-kanya na raw sila ni Timothy. Last year ay magkakasama sila sa US kahit na hiwalay sila at okay lang naman daw ito dahil para naman sa mga bata ang pagsasama nila.

“Ngayon naman, sa family ko, sa Dizon’s side naman. Siguro siya, with his family. Kanya-kanya muna kami,” she said.

Busy rin nga ang Holidays ni Shine ngayon dahil nga magpo-promote rin siya ng Rainbow’s Sunset bilang isa ito sa official entries sa 44th Metro Manila Film Festival na magbubukas sa Dec. 25.

Show comments