Nagpasalamat sa pagdating ni Nash Mika aminadong na-damaged!

Mika

Napaiyak ang Kapuso artist na si Mika dela Cruz sa birthday video na regalo sa kanyang 20th birthday ng boyfriend na si Nash Aguas. Madam­damin ang mensahe niya sa kanyang Instagram dahil ngayong taong ito niya hinanap at kinilala ang sarili.

“Doon ako nag-focus at dahil sa pressure, negativity at kung anu-ano pang maling mindset at pag-o-overthink, umabot ako sa point na kung saan-saan ko na lang hinahanap, kung kani kanino ko na lang binabase at talagang nalito na ako kung sino ba talaga yung totoong ako,” bahagi ng post ni Mika.

Sa taong ito dumating sa point si Mika na wasak na wasak at feeling niya eh nasa pinakailalim siya.

“Sobrang damaged ng self esteem ko, naging malabo sa akin ang salitang self worth at self love, basta sa sarili ko sobrang ‘lost’ ko at ‘di ko alam kung papaano, dahil sa pagmamahal ni God at ang mahahalagang tao nakapaligid sa akin natutunan kong mahalin at ma-appreciate ang sarili ko, tanggapin ang sitwasyon at pangyayari sa buhay ko at higit sa lahat ibigay sa Diyos ang buong tiwala ko,” saad pa ng kapatid ni Angelika dela Cruz.

Sa Enchanted Kingdom ipinagdiwang ng Kapuso artist ang kanyang birthday salubong dala ang paborito niyang pagkain. Pinasalamatan niya sa nakasamang kaibigan pero higit ang pasasalamat niya kay Nash.

Maagang dumating ang birthday gift kay Mika sa bagong series ng GMA, ang  Kara Mia.

Kung anuman ang pinagdaanan ni Mika ngayon taon, buti na lang at hindi siya inatake ng depresyon, huh!

Iba talaga ang drama ng millennials ngayon!

Show comments