^

Pang Movies

Marian at Dingdong, answered prayer ang anak

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Marian at Dingdong, answered prayer ang anak

Napaka-loving parents nina Dingdong at Marian Dantes sa unica hija nilang si Maria Letizia who turned three years old na nag-celebrate sa Tok­yo, Disneyland, last November 23.

Sa isang 4-minute narrative ng mag-asawa sa YouTube sinabi nila na answered prayer sa kanila ang anak na labis nilang ipinagpasalamat.

Ani Marian, bata pa lamang ay matindi na ang sense of humor ni Zia, sobrang makulit pero very friendly at very sweet.

Ayon kay Dingdong, napaka-jolly na bata ni Zia, siya ang nauunang makipag-usap like kapag nagbibiyahe sila at may nakita itong bata, si Zia ang unang lalapit at sasabihin: “‘Hi, I’m Zia. What’s your name?’ Gusto niyang mag-explore.”

Hindi nalilimutan ni Marian ang sinasabi lagi ni Zia sa kanya, “‘Mama, I love you so much, I want you to be happy.’ Kaya ako hindi nagsasawang turuan siya araw-araw na iniri-remind ko sa kanya kung gaano namin siya kamahal.”

Si Dingdong, nag-iwan ng isang sweet note for their princess: “Letizia, whatever you need in life, I’m just here to provide.  Just promise me, in whatever you do, don’t be afraid. That’s how we got you. That’s how we love you. You are our answered prayer. And now that you’ve been praying with us, your prayers have also been answered. I will not stand in your way when you make bigger decision in life but of course, we will make sure to lead you to what we think is right. But until that day, lundag lang nang lundag bay-beh. I love you.”

Lotlot wini-wish na dumating si Nora sa kasal

Excited na kinakabahan na si Lotlot de Leon sa nalalapit na kasal niya sa Lebanese fiancé niyang si Fadi El Soury. Nang makausap namin siya sa set ng Asawa Ko, Karibal Ko, hindi siya nagkait ibigay ang ilang details ng wedding na magaganap sa December 17, civil wedding sa isang beach sa Batangas

Sa wedding entourage, ang maghahatid sa kanya sa altar ang only son niyang si Diego. Maids of honor ang tatlong anak na sina Janine, Jessica at Maxine, at kapatid na si Matet de Leon, Ang brothers niyang sina Ian, Kiko at Kenneth de Leon at best friend ni Fadi ang groomsmen. Bridesmaids niya ang three biological sisters niya sina Donna, Dawn at Myria. Hindi makararating ang American father niya, si Donald Lee Olson dahil inoperahan ito sa likod.

Pero wish ni Lotlot na dumating ang kanyang Mama Guy (Nora Aunor). Pero sure na darating ang kanyang Daddy Christopher de Leon at fa­mily nito.

May participation ang nababalitang boyfriend ng anak na si Janine, si Rayver Cruz na kasama niya sa kanilang Afternoon Prime drama series. Isa raw si Rayver sa best men.

Ang Asawa Ko Karibal Ko ay napapanood Mondays to Saturdays, after ng Eat Bulaga.

MARIAN DANTES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with