Liza at Enrique, nagluluksa!

Lee Jong Suk

Kasama sina Enrique Gil and Liza Soberano sa mga naunang nagpahayag ng pakikiramay sa pagpanaw ng character actor na si Bangkay o Bangky sa Forevermore na last TV show niya pa.

Maganda ang naging role ng character actor sa nasabing teleserye kung saan nagpa-English English pa siya na pumatok sa manonood.

Pero hindi na nasundan ‘yun matapos mawala sa ere nung 2015. Paminsan-minsan na lang siyang napapanood.

“Tito Bangky, I wish I could’ve hugged you one last time. May you rest in peace. I love you! We all love you!,” pahayag agad ni Liza kahapon sa kanyang social media accounts.

“Paalam tito bangks we lost good one today, goodbye kiss from xander,” ang sabi naman ni Enrique.

Matapos ma-detain sa Indonesia, Lee Jong nakabalik na ng Korea

Na-detain sa Indonesia ang sikat na Korean actor na si Lee Jong Suk matapos ang kanyang fan meeting doon. Kinumpiska ang passport nila at kanyang mga kasama dahil sa kagagawan umano ng promoter ng fan meeting na yes24’s.

Kahapon ay naglabas ng statement ang talent agency ng K actor na kilala ng maraming Pinoy dahil sa maraming K drama at naka-schedule duma­ting sa bansa para sa fan meeting dito sa November 18 na gaganapin sa Araneta Coliseum. May kinalaman umano sa tax ang naging issue na mas mababa ang idineklarang tax ng producer sa Indonesia kesa  sa actual na kita nito ayon pa sa mga report na kumalat kahapon.

Pero nakabalik na raw ito ng Korea kahapon din at nagpa-planong magdemanda ang kanyang talent management group dahil sa nangyari.

 “We caused concern to a lot of people because actor Lee Jong Suk’s departure was delayed immediately after the Indonesian fan meeting due to the agencies and local promoter yes24’s way of handling business. This was our first time experien­cing something like this, so we were very startled. Instead of thinking about himself, the actor was very concerned that this may affect his drama’s filming schedule. Fortunately, he was able to depart thanks to the help of the Indonesian embassy and he is currently on a flight on his way home,” ang statement ng talent management ng K actor na sumikat sa mga palabas na Pinnochio, W, Doctor Stranger among others.

Show comments