Marami ang naka-miss sa Kapuso hunk na si Ivan Dorschner dahil ilang buwan na siyang hindi napapanood sa anumang teleserye ng GMA-7.
Huli siyang napanood sa The One That Got Away na noong May 2018 pa nagtapos.
Kaya naman laking tuwa ng ilang netizens nang makita sa Instagram na nasa Pilipinas na si Ivan at dumaan ito sa GMA Network Center.
Though wala pang binabalita si Ivan kung ano ang next teleserye niya, kinuwento nito ang kanyang mga plano na magkaroon ng sariling online series na siya mismo ang mag-produce.
After daw ng TOTGA ay umuwi muna si Ivan sa pamilya niya sa Los Angeles, California.
Turing ni Ivan sa kanyang sarili ay isa siyang OFW dahil malayo siya sa kanyang pamilya tuwing may trabaho siya sa Pilipinas.
Kaya noong magbakasyon siya ng matagal sa US, hindi niya sinayang ang mga oras niya dahil nag-aral siya ng acting at um-attend ng writing workshops.
“Para akong balikbayan sa America. Sinabayan ko rin ng training sa acting, writing, and production. Workation na rin pwedeng tawagin,” sey ni Ivan na nag-workshop sa ilalim ng Upright Citizens Brigade Theater at ang mga alumni ay ang mga sikat na Hollywood comedians na sina Amy Poehler, Donald Glover, and Aubrey Plaza.
Mavy at Cassy ginawaran ng award
Nakatanggap ang Kapuso tween twins na sina Mavy at Cassy Legaspi ng Pillar of Hope award mula sa kanilang school na Eton International School. Kasama nilang tumanggap nito ay ang parents nilang sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.
Ang Pillar of Hope award ay iginagawad sa iba’t ibang personalidad na nagpapakita ng kanilang galing para maka-inspire ng ibang tao.
Dahil nasa showbiz na ang buong Legaspi Family, nagiging source of inspiration sila ng ibang families, lalo na ang mga anak nila na maging role models at maging good example sa marami pang kabataan sa pamamagitan ng paglabas sa TV.
Napapanood sina Mavy at Cassy sa Saturday morning talk show na Sarap, ‘Di Ba? at tuwing Sunday naman sa Studio 7.
Nagpasalamat nga ang Legaspi twins sa parangal na binigay sa kanilang pamilya.
‘Hailey Bieber’ gagawing trademark ng mga damit
Pina-trademark ng supermodel wife ni Justin Bieber na si Hailey Baldwin ang married name nito na Hailey Bieber.
Nasa plano ni Mrs. Bieber na magkaroon ng sariling clothing line sa ilalim ng kanyang married name.
Listed nga sa application ang Hailey Bieber under clothing para sa trademark nito.
Nagkaroon ng civil wedding sina Justin at Hailey noong nakaraang September sa New York City courthouse.
Kelan lang ay pumunta ang dalawa sa London, England kung saan natuwa ang mga onlookers sa pagiging sweet nila Justin at Hailey. Hinarana pa ni Justin ang kanyang misis in public.