Maine at Alden nakikitaan pa ng kilig

Maine

MANILA, Philippines — May kilig factor pa rin sina Maine Mendoza at Alden Richards kahit na magkahiwalay na sila ngayon ng landas. Mapapanood pa rin kasi ang dalawa sa Eat Bulaga tuwing Sabado, at kahit hindi na nagkikita ng madalas, para pa rin silang tulad ng dati kung magharutan. Kaya naman ang AlDub fans ay buhay na buhay pa rin.

Samantala, nangangamba naman ang ilan dahil ipinapareha na sila sa iba. Si Alden kay Janine Gutierrez na leading lady niya sa Victor Magtanggol, at si Maine naman kay Coco Martin na katrabaho niya ngayon sa ginagawa nilang pelikula kasama si Vic Sotto na Jak Em Popoy: The Puliscredibles.

Marami pa rin ang umaasa na magbabalikan ang dalawa.

Ruru naisalba ang IWALY

Ano raw ba ang nangyayari sa istorya ng Inday Will Always Love You ni Barbie Forteza at Derrick Monasterio? Kung anu-ano na raw kasi ang ginagawa ni Gladys Reyes para lang makaganti kay Barbie. Buti na lang to the rescue itong si Sunshine Dizon para mapigilan na si Gladys.

Isa pang to the rescue ay si Ruru Madrid, dahil siya ang pumalit sa role ni Juancho Trivino bilang kaagaw ni Derrick sa puso ni Barbie, lumalamlam na kasi ang takbo ng istorya simula ng mawala si Juancho. Halata kasing pinapahaba na lang ito. At nung Biyernes lang tinapos.

JM puring-puri ni Rita

Ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng sinubaybayang serye ng mga manonood tuwing hapon na Araw Gabi kung saan sina JM de Guzman at Barbie Imperial ang mga bida, malaki ang kanilang pasasalamat. Lalo na si JM dahil ito ang nagsilbing comeback niya sa telebisyon, simula nang siya ay malulong sa masamang bisyo.

Simula umpisa ay puring-puri siya ni Rita Avila na gumanap bilang kanyang nanay, napaka-professional daw nito at magaling umarte. Ganun din ang sinasabi ng iba pa niyang kapwa artista.

Kamakailan lang ay nagningning sina JM at Barbie sa katatapos lang na ABS-CBN Ball, bagama’t sinasabi nilang walang namamagitan sa kanila, halatang-halata naman na gusto nila ang isa’t isa.

Dingdong hindi gumaya sa ibang artista

Kung ang ibang mga artista ay ‘di na maaawat sa pagtakbo sa darating na eleksiyon sa 2019, tama naman ang naging desisyon ni Dingdong Dantes na umatras sa pagtakbo.

Hindi pa naman siya nalalaos.

Bukod sa mga project niya, ang pagbubuntis pa ng kanyang asawa na si Marian Rivera sa pangalawa nilang anak ang pumigil sa kanya. Tututukan na lang daw muna niya ang kanyang asawa dahil mas kailangan siya nito.  

Show comments