Payag ba kayong i-edit ang ating national anthem na Lupang Hinirang?
Hmmm. Ang sabi ni Senate President Tito Sotto, meron daw kasing line na ‘defeatist’ na ibig sabihin ay mga salitang handang tumanggap ng pagkatalo or something to that effect. Kasabay ito ng proposal na magdadag ng ika-siyam na sinag ng araw sa ating bandila.
Ang tinutukoy na linya ni Tito Sen ay ang ‘Aming ligaya na pag may nang-aapi, ang ipaglaban kalayaan mo.’
Grabe bakit kaya hindi ang problema sa pagmahal ng mga pagkain ang unahing ayusin ng mga senador kung may magagawa sila? Saka na sana sila mag-isip ng mga ganyan kapag walang maraming Pinoy ang kumakalam ang sikmura at nagrereklamo sa mahal ng gasolina.
Darna burger for sale na!
Wow, pwede nang tikman ang organic burgers na may temang Pinoy Komiks—ang Heroes Burger—ang bagong food stop sa kauna-unahang studio city sa bansa, ang ABS-CBN Studio Experience na matatagpuan sa Ayala Malls TriNoma.
I’m sure mas magiging masarap ang pagbisita sa Studio XP kapag tinikman din ang Heroes Burger kung saan tampok ang mga Pinoy Komiks superheroes na sina Captain Barbell, Darna, at Lastikman.
In all fairness, magaan sa bulsa ang mga pagkain dito na nagsisimula sa halagang P55 para sa Kaboom burger. May combo meals din, ang Darna burger meal sa halagang P89, Lastikman cheeseburger meal sa halagang P99, at Captain Barbell double cheeseburger meal sa halagang P129, kabilang na ang french fries at inumin.
Hindi naman kailangang bumili ng Studio XP pass para matikman ang Heroes Burger dahil meron itong takeout counter na matatagpuan sa labas ng studio city.
Speaking of Darna, wala umanong urungan ang nasabing pelikula na si Liza Soberano ang bida.
Pinaghahandaan nga lang daw maigi dahil may ilang inayos sa costumes at sa story.
So habang waiting sa pelikula, kain na lang muna sila ng Darna burger. Hihihi.