^

Pang Movies

Zanjoe ‘di pa rin tanggap ang pagkawala ng ina

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Zanjoe ‘di pa rin tanggap ang pagkawala ng ina
Zan joe

Hanggang ngayon pala apektado pa rin si Zanjoe Marudo sa ‘di inaasahang pagkamatay ng kanyang ina. He considered himself a mama’s boy.

Tiyak daw na mag-e-enjoy ito sa bago niyang serye kasama si Angelica Panganiban, ang Playhouse na magsisimula ng umere ngayong Monday mula sa direksyon ni Jeffrey Jeturian, kasama sina Donny Pangilinan at Kisses Delavin.

Ang nanay daw niya ang kanyang number one fan.

Right now, wala pang napapabalitang girlfriend na seryoso si Zanjoe. Although, obvious na tanggap na niya na ‘di na sila magkakabalikan ng kanyang dating girlfriend na si Bea Alonzo na rumored girlfriend na ngayon ni Gerald Anderson.

Kathniel movie naka-P600-m na

As of this writing Salve A., kumita na ng halos P600-M, yes, 600 million, ang still showing na pelikula ng Star Cinema na The Hows of Us kung saan bida ang reel-and real-life love team na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla with Cathy Garcia-Molina directing.

‘Di pa kasama diyan ang kinita nila sa showing sa ilang sinehan sa ibang bansa, which are in dollars of course. Ito’y ayon kina Roxy Liquigan at Mico del Rosario na mga head ng Public Relations and Publicity department ng Star Cinema.

Well, kaya siguro nagkaroon ng thanksgi­ving mass sa office ng Star Cinema noong last Wednesday, officiated by Fr. Tito Caluag na sinundan ng victory party sa same office.

Pinaka-happy of course si Direk Olive Lamasan, bagong managing director ng Star Cinema (after Malou Santos, now a COO ng ABS-CBN), considering nga naman na dalawa sa mga bigtime ng ABS-CBN na sina Carlo Katigbak at Marc Lopez ay nag-attend ng party and congra­tulated her as well for a job well-done.

Overwhelming din lalo ang feeling ng mag-sweethearts na sina Kathryn at Daniel.

Sayang at ‘di present sa party si Direk Cathy, ina­sikaso kasi nito ang dalawa niyang anak.

Trailer ng Tres hinihintay

Bryan Revilla hopes his Lolo Ramon Revilla, Sr. would be able to attend the premiere of Tres, ang action trilogy nila ng kanyang mga kapatid na sina Vice Governor Jolo Revilla at Luigi Revilla.

Nakatakdang ipalabas ang Tres sa October three kung saan ang Star Cinema ang magri-release, Kaya malamang na October 2 daw ang premiere ng pelikula.

Bagama’t di pa officially naipalalabas ang trailer ng Tres, consisting of three episodes na para sa kanila. Nakakatuwa pa rin daw ayon kay Bryan, dahil nagki-create na ito ng excitement sa mga nakakakita, base lang sa iba’t ibang social media platform kung saan madalas mapanood ang trailer nila.

ZANJOE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with