^

Pang Movies

Pelikulang Bakwit Boys bubuhayin ang OPM!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Pelikulang Bakwit Boys bubuhayin ang OPM!
Vance Larena

Nagulat kami nang malaman naming iyon palang pelikulang Bakwit Boys ay isang musical na hindi kagaya noong 70’s na bigla na lang bubunghalit ng kanta ang mga artista. Hindi rin sila gagamit ng cover versions. Ang ginamit nila ay mga orihinal na musikang Pilipino at sa mga kantang iyon iikot ang istorya.

Kasi nga iyong Bakwit Boys ay mga batang inilayo sa kanilang bayan dahil sa isang trahedya, naging “bakwit” at nangarap na para makapagsimula ng panibagong buhay ay maging isang boy band. Ganoon kasimple ang kuwento. Pero ang pelikula ay may layuning mai-promote ang musikang Pilipino.

Iyan ang isa pang namamatay sa ating bansa sa ngayon eh, iyong industriya ng musika. Una kasi biktima sila ng matinding piracy, lalo na ngayon na ang nauuso ay downloading. Basta may isa nang nakapag-download nang ilegal, kopyahan na lang iyan. Ang sinasabi naman ng mga producer, okay na iyon dahil wala na silang puhunan sa paggawa ng hard copy kagaya ng CD. At saka iyong nai-download, mas mabilis na masisira iyon.

Ang isa pang dahilan kung bakit bumabagsak ang music industry ay dahil nagpipilit ang mga matatanda nang singers, kontrolado nila ang mga network at ang mga management companies. Nahihirapang makapasok ang mga bagong talents. Kaya ano naman ang nangyari, bumaling ang mga Pinoy sa mga K-Pop at iba pang mga dayuhang ni hindi nila naiintindihan ang mga kanta, pero at least kabilang sa henerasyon nila, hindi iyong pinakikinggan na ng mga nanay nila.Masasabing ang Bakwit Boys ay isang magandang pelikula, hindi lamang dahil sa entertaining ang kanilang pelikula na binigyan ng A rating ng CEB (Cinema Evaluation Board), kung hindi nagpapakilala pa ng musikang Pilipino.

Stage actor na si Vance Larena napansin ang acting

Napansin din namin, walang malala­king artista doon sa Bakwit Boys. Hindi naman daw dahil sa nagtitipid sila kung ‘di naniniwala silang maraming mga talents na nandiyan lang at hindi napapansin. Kaya nagpa-audition sila para sa mga baguhang bida.

Isa sa mga nag-audition ay ang stage actor na si Vance Larena. It turned out na siya ang naging bida sa pelikula. Napansin din namin na noong kanilang media launch, mas napansin ng media si Vance, sa kabila ng katotohanang mas matagal na sa showbiz, lalo na sa telebisyon ang iba niyang mga kasama.

Simple lang naman ang dahilan nila, kasi nga mahusay na actor si Vance dahil nahasa nga sa legitimate stage, at ang totoo isa rin siyang acting coach. Bukod doon, hindi naman maikakailang siya ang pinaka goodlooking sa mga Bakwit Boys.

Aktor-aktoran bakla ang kapiling sa Japan

Nasalubong ng isa naming friend na computer expert at nagtatrabaho sa isang Japanese firm ang isang male starlet at dancer sa Japan. Sabi niya, naniniwala siyang sa kilos ay gay ang nasabing male starlet, at ang kasama noong namamasyal ay gay din. Marami palang ganoon sa Japan. Mga gay na ang gustong ka-date ay mga gay din, pero mas gusto nila ang mga foreigner. Kaya pala click din doon ang mga Pinoy na gay.

VANCE LARENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with