ABS-CBN nakiisa sa Araw ng Kalayaan
MANILA, Philippines — Nakiisa sa pagdiriwang ng ika-120 na Araw ng Kalayaan sa annual flag-raising ang ABS-CBN executives at mga empleyado na napanood sa channel 2 at sa labas ng Pilipinas via TFC.
Bilang pagkilala at pagbibigay parangal sa mga natatatangi at magagandang katangian ng mga Pilipino, inilunsad ng ABS-CBN ang One Love, One Pinas nitong katatapos lamang na Philippine Independence Day celebrations noong June 12.
Inilunsad ng nangungunang Filipino-owned media at entertainment network ang multi-platform na kampanya sa taunang flag-raising ceremony nito kung saan ipinakita ang special video ng mga Pilipino sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas na nagbabahagi ng pagmamahal at inspirasyon sa kani-kanilang paraan, ano man ang kanilang pinanggalingan.
Kabilang sa mga Pilipinong ito ang mga sumusunod: Kim Obiso, may-ari ng Jeepeoke mula sa Cebu na nagdadala ng kasiyahan sa pamamagitan ng videoke machine sa loob ng jeep nito; ang masipag na fisherman na si Miag-Ao Ramon Montalgo na sumusuporta sa kaniyang buong pamilya; ang masigasig na magsasaka mula sa Silay, Negros Occidental na si Bonifacio Villarena na hindi nagpapalupig sa mga pagsubok ng buhay; at ang makataong si Jimmy Conil ng Palau’an Tribe na natagpuan ang sarili bilang isang educator sa liblib na lugar ng Palawan sa Luzon.
Ayon kay ABS-CBN chairman Mark Lopez, layunin ng One Love, One Pinas na bigyang pugay ang pinakamagagandang bagay tungkol sa Pilipinas – ang mga tao at ang kanilang mga pinapahalagahan.
- Latest