^

Pang Movies

Mike marami nang nagbago sa hitsura!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Mike marami nang nagbago sa hitsura!
Mike Tan

Ibang-iba na ang dating ngayon ni Mike Tan sapul nang bumida siya sa noontime prime series na Hindi Ko Kayang Iwan Ka sa GMA-7.

Sobrang mahiyain ang Laguna boy na hindi makabasag pinggan nang magsimula sa TV shows ng Kapuso.

Sa bagay, halos karamihan naman sa nag-showbiz, sa umpisa ay mahiyain. Syempre pag maitim ka noon, kahit anong kuskos ng sabon, maitim ka pa rin. Wala pang sabon na Gluta noon, hindi tulad ngayon, nakakailang kuskos ka pa lang ay garantisadong puputi ka na, magiging flawless ka na, plus may mga cream na pamahid sa balat para kuminis ka.

Si Jackie Rice ang ‘nanlalandi’ ngayon kay Mike Tan sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka, eh kung si Jackie ba naman ang mangungulit sa nota ni Mike, okay na rin dahil saksakan ito ng ganda at magaling umarte.

Saludo rin ako kay Gina Alajar, ang Star Awards Nora Aunor Lifetime Achievement Awardee, dahil sa kanyang galing sa pagganap.

Ganoon din si Yasmien Kurdi, Sharmaine Buencamino at iba pang talented stars sa said TV series.

Young star na sikat, kinaiinisan dahil sa pagiging OA

Sayang daw ang young star na ito na sikat at maraming TV appearances noon at ngayon.

Maganda si young star at magaling sa akting kaya lang super OA na ngayon at ‘yun ang nakakasira sa galing niyang umarte at ganda ng mukha. Sana raw may magsabi sa kanya na OA siya. ‘Yun daw pagngiwi-ngiwi ng bibig niya ay nakakainis!

Anyway, baka naman dito siya humuhugot ng lakas kaya siya OA. Siguro naman hindi ito malaking kapintasan niya. 

Cheng hindi nalilimutan dahil sa kabutihang loob

Again, condolences sa magkakapatid na Aga, Arlene, Almira, Nognog, AJ at Barok na mga anak ng yumaong si Cheng Muhlach.

Matagal din akong naka-bonding ni Cheng at natira sa bahay niya sa New York St., Q.C. noong ako ang PRO ni Beth Bautista na naging wife niya na ina ni Barok.

Pag mabait ang tao, kahit wala na siya ay maaalaala mo pa rin. Eternal rest grant unto you Cheng Muhlach.

Mga pangako ng mga kagawad at barangay chairman, inaantay na

Tapos na ang election ng SK at ng Barangay Chairman.

Third term na si elected Peping Cartano, tuluy-tuloy ang mga project na tatapusin niya sa panahon ng kanyang serbisyo.

Maganda rin ang plano ni Peterpan Malahacan na tumakbo rin as Brgy. Chairman, first time na ginawa niya ito, hindi man pinalad na makalusot, tuloy pa rin ang pagtulong niya sa mga mag-aaral. Pero gusto namin ‘yung gagawin niyang free ang senior high school. Ang dami kasing mga kapuspalad na hindi maipagpatuloy ang pagtatapos ng High School. Congrats sa mga nanalo at sa hindi pinalad marami pa pong pagkakataon para sa inyo sa mga susunod na eleksyon. 

MIKE TAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with