Raymond tsika tsika kay Bella Hadid at ibang socialite nang rumampa sa Cannes!

Bella Hadid at Raymond Gutierrez

Kagabi nakabalik sa bansa si Raymond Gutierrez mula sa Cannes, France kung saan ay naimbitahan siyang um-attend ng Magnum’s Take Pleasure Seriously campaign ng international model na si Bella Hadid at international fashion designer na si Alexander Wang.

Brand ambassador at creative consultant sa ating bansa si Raymond ng nasa­bing ice cream brand.

Mali ang akala ng iba na ang Cannes Film Festival ang pinuntahan ni Raymond doon at nagkaroon lang siya ng chance encounter with Bella and Alexander.

Maraming napagkuwentuhan sina Raymond at Bella sa event na ‘yon. Naging mabait din daw si Alexander sa twin-brother ni Richard.

Ang ate niyang si Ruffa Gutierrez ang mas na-excite sa event na in-attend-an ni Raymond.

Nasa Cannes pa lang si Raymond ay panay na ang kuwentuhan nila ni Ruffa.

Si Ruffa na nga ang nagkuwento sa akin na naimbitahan pa si Raymond last weekend sa bahay na tinuluyan ng boyfriend ni Bella, na kilala sa tawag na The Weeknd.

Noong una, napabalitang naghiwalay sina Bella at The Weeknd, pero nagkabalikan na nga raw ang dalawa at nakita pang nag-kiss sa Magnum Cannes event.

Kuwento pa ni Ruffa, sabi raw ni Raymond, nandun din sa bahay na ‘yon si Bella at iba pang celebrities.

“Two days in a row na-invite si Mond sa bahay na tinirhan ni The Weeknd sa Antibes,” sabi pa ni Ruffa.

 Jennylyn nakakadalawang semplang na raw

Ang pagtatanggol ng iba na hindi raw gaya sa The Walking Dead series ang The Cure GMA 7 series nina Tom Rodriguez at Jennylyn Mercado.

May mga nagkokomento naman na sana nga ay ginaya na lang at ginawang mga Zombie na lang ‘yung mga infected sa The Cure at baka mag-rate pa ang show.

Naiintriga kasi ang The Cure dahil sa sinasabing poor ratings nila.

May mga nagsasabi pa na baka hindi maka-one season ang The Cure.

Papayagan kaya ng GMA big bosses na hindi patagalin ng one season ang The Cure dahil lalabas talaga na nangu­lelat sa FPJ’s Ang Probinsyano ang nasabing series?!

Sabi naman ng iba, pangalawang series na ito ni Jennylyn na hindi sumipa sa ratings dahil hindi rin maganda ang naging dating ng My Love From The Star nila ni Gil Cuerva.   

‘Di na mapigilan… Barbie palaging bukambibig si Jak

In fairness, nababanggit pa rin ni Barbie Forteza ang boyfriend niyang si Jak Roberto kahit na sa Monday na ang pilot telecast ng romantic-comedy series nila ni Derrick Monasterio, ang Inday Will Always Love You.

Mukhang hindi naman pinagbabawalan si Barbie na manahimik pagdating sa relasyon nila ni Jak.

Noong may Meant To Be kasi siya na isa pa naman si Jak sa four leading men niya ay obvious na pinagsabihan ang dalaga na itikom muna ang kanyang bibig pagdating sa relasyon nila ni Jak.

Anyway, hindi naman nila kaila­ngang i-link romantically ni Derrick para sa promotions ng Inday Will Always Love You dahil nakakakilig naman ang trailer ng kanilang new primetime series!

Show comments