^

Pang Movies

Kahit ikakasal na Derek ayaw tantanan si Bea!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Kahit ikakasal na Derek ayaw tantanan si Bea!
Derek Ramsey

Sa presscon ng soon to be released movie na Kasal, starring Derek Ramsey, Paulo Avelino and Bea Alonzo na parang hindi apektado kahit na may bulung-bulungan na confirmed na ang split-up nila ni Gerald Anderson.

Sa totoo lang she didn’t only look relax, she’s extra charming as well.

Ganunpaman, walang nagtangka sa mga members of media, both print and vloggers na magtanong ng tungkol sa kanila ni Gerald. Mas interesado sila na alamin ang tungkol sa pelikula niya na nagsisilbing directorial comeback for a movie ni direk Ruel S. Bayani, na ang huling proyekto ay ang One More Try, five years ago.

Kasal, besides, nerves as well as the 25th anniversary offering ng Star Ci­nema.

But while Kasal marks the first time na magsasama sa isang project sina Paulo at Bea, nagkasama na sa kung ilang project sina Bea At Derek, two of which are One More Chance at I Love You So.

In any case, wish daw ni Derek ay makagawa naman sila ni Bea ng isang teleserye. 

Speaking of teleserye, Paulo is currently starring in one, Asintado, which co-stars him Julia Montes, Aljur Abrenica, plus Agot Isidro at Noni Buencamino.

Asintado stars, likewise, Shaina Magdayao and Lorna Tolentino, who both play character roles.

May soon-to-be released movie rin si Paulo, ang Goyo, kung saan ang kanyang gagampanan ay ang revolutionary hero na si General Gregorio del Pilar.

In Kasal, Paulo describes his role rin as kakaiba. He plays a most eligible bachelor, a dream husband to all the single girls in his hometown, as he is a most promising politician as well.

Also in the cast of Kasal are Christopher de Leon, Cherie Gil, Ricky Davao, Ces Quesada, Celeste Legaspi, Vin Abrenica, Cai Cortez and Cris Villongco.

Kasali pa rin sina former international beauty queen Kylie Versosa and newcomer JC Alcantara.

Young JV namana ang pagiging matulungin sa mga magulang

Alam mo ba Salve A., na ito palang kilalang hip-hop artist na si Young JV ay  mayroong tatay na Ambassador?

Yes, ang tatay niyang si former Colonel Eduardo “Red” Kapunan ay current Ambassador ng Myanmar ng ating bansa. Ang kanyang nanay na si Elsa Kapu­nan ay madalas magsagawa ng outreach program and granting scholarships, lalo na sa mga bata na anak ng mga sundalo.

Katulad ng kanyang magulang, meron din palang malaking puso si JV para sa mga bata na patuloy niyang binibigyan ng inspirasyon sa tuwing siya ay nagpe-perform. Kitang-kita ang concern niya sa mga bata, lalo na pag edukasyon at future nila ang pinag-uusapan.

No wonder, hindi nagdalawang isip si Ms. Aileen Choi Go na tanggapin si JV bilang pinakabagong endorser ng Megasoft, kung saan parte rin sina Jolina Magdangal at ang asawa nitong si Mark at anak na si Pele. Ine-endorse ng Escueta family ang super twins easy wear pants.

Dalawa rin sa endorser ng Megasoft ay sina Myrtle Sarrosa at Ryle Santiago na ang ineendorse naman ay ang cherub baby care products.

Of Young JV, he will be in Gaisano Grand Antique on May 17, and on June 14 sa Butuan City naman for the Naliyagan festival.

July 16 nasa Ororoma, Carmen, Cagayan de Oro City naman si Young JV.

DEREK RAMSEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with