Mga beauty queen hindi na napapakinabangan sa pelikula!

Maxine Medina at Bea Santiago

Todo bilad na nga katawan sa social media

Hanggang social media na lang ang career ng mga former beauty queen sa pagbi-bikini. Kung uso pa sana ang sexy movies at least pagkakakitaan nila ‘yun.

Suki ang kaseksihan nina Maxine Medina and Bea Santiago sa social media. Ganundin si Ariella Arida.

Panay ang beach nila at pose pose sa social media na naka-two piece.

 Paano pa nga sila susugalan ng producer o panonoorin kung nagpapa-sexy na sila sa pictures pa lang. Noon ay mabentang-mabenta ang beauty queens sa pelikula.

Zia natural kumembot

Namana ni Zia ang husay sa pagsayaw ng kanyang Daddy Dingdong at Mommy Marian. Sa isang video na uploaded ng isang fan, kitang-kita na ang husay ng two year old daughter ng mag-asawa.

As in kung kumendeng si Zia, natural na natural.

Nasa beach ang mag-anak ngayon para sa kanilang 40th month wedding anniversary.

Show comments