Pangalan ng bagong anak nina William at Kate, hindi pang-British royalty
Louis Arthur Charles ang binigay na pangalan nila Prince William at Princess Kate sa ikatlong anak nila.
Si Prince Louis ang ikalimang nasa linya sa British throne pagkatapos ng kanyang lolo na si Prince Charles, amang si Prince William at mga nakakatandang kapatid na sina Prince George at Princess Charlotte,
Tatawaging “His Royal Highness Prince Louis of Cambridge” ang bagong supling nila William and Kate ayon sa Kensington Palace.
Kahit na walang strong British royal pedigree ang name na Louis, dahil associated ito sa mga hari ng France, pero may significant family connection ito.
Ayon sa Kensington Palace: “Louis was the name of Earl Mountbatten of Burma, the uncle of Queen Elizabeth’s husband, the Duke of Edinburgh. After serving with distinction in World War II, Louis Mountbatten became the last Viceroy of India, the head of the British colonial administration in India. He was killed by a bomb placed in his fishing boat by the Irish Republican Army in 1979.”
Ipinanganak noong April 23, 2018 si Prince Louis na may timbang na eight pounds and seven ounces.
Jeric, matured para kay Kyline
Noon pa man ay kuya na ang dating ng Kapuso hunk at grand winner ng Protégé: The Battle for The Big Artista Break na si Jeric Gonzales.
Sa kuwento ng isa sa bida ng teleserye na Kambal Karibal, gusto raw niya ‘yung may mga inaalagaan at ginagabayan siya na mas bata sa kanya.
Bata pa lang daw si Jeric, natuto raw siyang maging breadwinner ng pamilya.
Walang naging permanenteng ka-loveteam si Jeric sa mga nilabasan nitong mga teleserye. Pero ngayon ay mukhang sinusubukan ang team-up nila ng co-star niya sa Kambal Karibal na si Kyline Alcantara.
Pinagsasama na sila sa mga guestings at pati sa mga live shows at maganda naman daw ang response ng mga fans nila.
“Hindi mo alam kung ano ang ibibigay sa’yo ni God. Kung ano man ‘yon, it’s a gift, hindi mo alam eh, baka du’n ka suwertehin, du’n ka dalhin, du’n ka talaga nararapat,” pagtapos pa ni Jeric Gonzales.
- Latest