Nagsisipsip kay Pres. Duterte?
Pinutakti rin ng social media trolls si Kris Aquino na either kampi kay James Yap o bwisit sa pagtatalak niya sa father ng anak na si Bimby Yap. May sinasagot ang Web Queen pero rin naman siyang dinidedma.
Sa libu-libong nagkomento, nagbigay ng reaksyon at naglagay ng kanya-kanyang emoji, tinugunan ni Kris ang post ng apo ni President Rody Duterte na si Isabelle. Walang pahayag ang dalaga at tanging emoji na puso ang nakalagay.
Buong ningning na nagbigay si Kris ng payo kay Isabelle na matagal na pala niyang gusto ma-reach. Minsan nang na-bully ang apo ni P. Digong dahil sa pictorial na ginawa sa Malacañang suot ang gown na pang-debut niya.
“@isabelleduterte I have long wanted to reach out to you because I know what it is like to be bullied. I also wanted to tell you from my own life experience, though you don’t know me & may say it is none of my business – from what I read about your dad wanting to get you a good education – he was making a valid point.
“You are beautiful. And somebody with your looks will be lethal when she has graduated from college. If you ever want to seriously give a career in entertainment a GO – I’m easy to find & would enjoy getting to know you,” tugon ni Kris sa post ni Isabelle.
Sa isang banda damay si Mar Roxas sa galit ni Kris kay Korina Sanchez. Si Mar pa naman ang sinuportahan niya nu’ng nakaraang presidential election. After what happened, malinaw na kay Kris kung bakit si P. Duterte ang nanalong presidente.
As of this writing, tameme pa si Korina pati ang staff ng show niya sa birada ni Kris.
Male celebrity, nag-hire ng ghost writer para mag-english sa socmed!
Kahanga-hanga ang mahabang social media posts ng isang kilalang male celebrity. Kasi naman, todo-Ingles siya sa mga caption na inilalagay, huh!
Sa nakakakilala sa male celeb, hindi sila naniniwalang siya mismo ang nagsusulat ng caption. Never naman kasing naging Inglisero ang image niya sa publiko.
‘Yung iba naman, may hinalang may ghost writer siya sa social media, huh! Gusto namang bigyan ng benefit of the doubt ang husay ni male celeb sa lengguwahe kaya naman sumasakay na lang sila sa kada post niya.
Naalala tuloy ng ilang showbiz netizens ang isang aktor na pinigilang maglagay ng English caption dahil mali-mali ang grammar niya, huh!
Naku, sa print medium nga ay may ghost writer, puwede rin namang merong ibang taong nagsusulat para sa isang tao huh!