Pagiging ‘baklain’ ng anak inilabas din, Kris bumulusok ang galit, James gimikero, manggagamit at ‘di raw kayang ipagtanggol si Bimby!
Halatang-halata ang galit ni Kris Aquino sa dating asawang si James Yap sa kanyang latest Instagram post.
Ang dahilan ng ikinagagalit ni Kris ay ang birthday message ni James para sa anak na si Bimby na nagdiwang ng kaarawan last April 19, Thursday.
Ang birthday message ni James para sa anak na ipinost nito sa IG account ay ito: “Happy birthday Bimb! I miss you and think about you everyday. Alam ko na ang tagal na natin di nakapagspend ng time together, at di nagkikita, but i want you to know that I’m always here for you. I will always be your papa. I hope you enjoy your birthday!”
Sa kanyang IG post kahapon, sinagot ni Kris nang bonggang-bongga ang mensahe na ito ni James. Sinumbatan niya ang dating asawa at inisa-isa ang atraso.
“Ngayon patas na tayo, hindi na ko pwedeng ma-accuse ng power tripping. NANAHIMIK ako for so LONG- even when you crossed the line when promoting that bar you are part owner of- nagsalita ka & nasa PEP yung video na napanuod ni Bimb mismo ‘nakakawalang ganang mag effort na magpaka tatay kay Bimb kasi hindi naman appreciated.’
“UTANG NA LOOB... flashback 2013- trying hard kang umiyak (i say trying hard kasi walang luha, puro uhog lang) sa interview mo sa TV Patrol dahil ‘pinagkakait’ ko si Bimb sa’yo... Ay oo nga pala, of course pinag-aksayahan mo sya ng panahon 5 years ago- kasi nasa Malacañang pa ang Tito nya... Nung tinanong ka bakit hindi ka na nag share sa tuition ni Bimb ang ‘excuse’ mo dahil hindi ka na consult nung ililipat sya ng school...
“Sinunod ko yung annulment compromise financial agreement of 2011 w/c gave you millions; 2014 tayo pumirma ng compromise child support, once ka lang nag-abot ng half mo pang education ni Bimb- after the signing.
“When Bimb saw the post na BINASTOS sya na ‘baklain’ sya, he shrugged it off & said: ‘Mom- who cares? My own biological dad said that about me in court & he’s said it so many other times?’ Nanahimik pa rin ako about that kasi feeling ko – wag mo kaming guluhin, peaceful tayo...” ang bahagi ng mahabang post ni Kris.
Sa sumunod na statements ay diretsahang sinabi ng aktres/TV host kung bakit hindi na nagpupunta si James para i-meet ang anak at ito ay dahil daw sa wala na silang power ngayon.
“Eh humirit ka w/ your birthday post. So bakit nga ba hindi kayo nagkikita?
“Ganito ka simple- wala ka nang pakinabang kay Bimb. Wala na kasi kaming ‘power’ so bakit ka pa didikit? Madali kung gusto mo. Ang kapatid mo ka-Facebook si Bincai. Yung napakabait na pamilya from Iloilo na parang 2nd family mo ay hanggang ngayon ka close ni Ate at Pinky... you are missing out on experiencing what a caring, generous, polite & lovable boy Bimb is – and it is your LOSS,” post pa ni Kris na halatang galit talaga.
Sa huli, sinabi ni Kris na kailangan niyang tumayo para sa katotohanan at ready siyang ma-bash dahil dito sabay-promote ng kanyang endorsement.
“I am ready to be bashed for washing our dirty laundry (of course w/ Ariel Antibac w/ the power of Safeguard) on IG BUT this mother has had it w/ half truths & hypocrisy & she needed to make a stand for truth. #lookwhatyoumademedo,” ang pagtatapos ni Kris.
Well, ano kaya ang masasabi ni James sa matatapang na pahayag na ito ng dating asawa?
- Latest