Regine iiwan muna si Nate!

Magaling na si Nate Alcasid sa kanyang asthma kaya go na si Asia’s Songbird Regine Velasquez sa Cebu City para sa first audition ng bago niyang ihu-host na talent search, ang The Clash.

Magsisimula mamayang 10:00 a.m. ang audition sa Gaisano Island Mall sa Mactan, Lapu Lapu City kung saan maghahanap sila ng mga bagong talent mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Mamayang hapon naman ay magkakaroon ng meet and greet si Regine sa kanyang fans doon. 

Samantala, bukas ay mapapanood na ang pinakaaabangang 30th anniversary concert ni Regine, ang R3.0. Mapapanood ang first part ng concert sa Sunday Night Box Office (SNBO) pagkatapos ng Kapuso Mo Jessica Soho. 

Ang second part ay mapapanood next Sunday, February 25, same time.

Rhian hindi sinasadyang manapaw

Thankful si Rhian Ramos sa magagandang feedback na natatanggap niya sa pagganap bilang si Zoe sa The One That Got Away. Tatlo silang ex-girlfriends ni Dennis Trillo sa romantic-comedy series kasama sina Lovi Poe at Max Collins.

May nagsasabi pa ngang madalas niyang naaagawan ng eksena ang dalawang co-stars.

“Wala akong intention na mang-agaw ng eksena,” sabi ni Rhian.  

Napapanood ang The One That Got Away after ng Kambal, Karibal sa GMA 7.

Show comments