Dahil engaged na ang reality star-socialite-heiress na si Paris Hilton, nag-hire ito ng extra security para mabantayan ang kanyang engagement ring.
Na-engaged si Paris sa aktor na si Chris Zylka na napapanood sa HBO series na Leftovers. Binigyan niya si Paris ng engagement ring na ang worth ay $2 million (o kung iko-convert sa php ay halos 100 million).
Naging maingat si Paris dahil pinagsabihan siya ng kanyang aunt na si Kyle Richards na kumuha ng security dahil na-expose na sa public ang kanyang mamahaling singsing.
Inamin din ni Paris na gustung-gusto niya ang ring na bigay ng fiancé niya dahil katulad ito ng singsing ng kanyang mother na gustung-gusto niya.
Nag-research pala si Chris sa anong klaseng jewelry ang gusto ni Paris at lumapit ito sa isang kilalang jeweler para gawin ang singsing na ibibigay niya rito.
“Paris at one point in time told Chris she really loved her mother’s pear-shaped diamond, and when Chris came to me that was his request.
“The pear-shaped really jumped out for him and ultimately for her. He did some fishing, but in the end it was all him.
“He’s a smart guy, and hangs out a lot with the family, and I think she realised how much she liked her mom’s ring.”
Sa kanyang Instagram account, heto ang pinost ni Paris noong ma-engaged sila ni Chris.
“I am so excited to be engaged to the love of my life and my best friend. I have never felt so happy, safe and loved. He is perfect for me in every way and showed me that fairytales really do exist. I was so excited and surprised. I immediately said yes. The ring was so gorgeous and sparkling. I was shaking as I put it on. It is the most beautiful ring that I have ever seen.”
Tunog action star na apelyido ni Pancho ayaw gamitin ni Max!
Natatawa na lang ang Kapuso leading lady na si Max Collins kapag tinatawag siyang Max Magno.
Tunog action star daw ang married name niya kaya hindi niya mapigilan matawa kapag tinatawag siyang Max Magno.
“Oo nga, eh. Ngayon ko lang na-realize na tunog action star. Sabi pa ng iba, parang name ng kontrabida ng isang action star!
“Kaya when they asked me kung i-hyphen pa sa name ko ‘yung Magno, sabi ko huwag na lang. Lakas maka-action star ng pangalan kasi.
“Pero sa mga legal documents ko at sa mga valid IDs, may Magno siyempre,” natatawang kuwento pa ni Max.
Inamin ni Max na hindi pa raw siyang nakakapag-adjust bilang Mrs. Pancho Magno. Especially noong nagsama na raw sila sa iisang bubong ni Pancho.
“I’m adjusted in a sense where I’m in love and we’re in love.
“Now it’s more about thinking about each other, hindi lang namin iniisip ‘yung mga decisions namin or ‘yung mga gusto namin, siyempre compromise.
“We always talk about all of everything before we decide.
“Pero hindi pa kami nakapag-settle, we haven’t really had time together bilang mag-asawa so that’s what I’m looking forward to.
“Busy si Pancho with his show Haplos tapos ako naman itong The One That Got Away.
“Magkaiba ang schedules namin sa work kaya halos hindi kami magkasama sa iisang araw lang.
“But we’re doing our best to really make our house into a home,” ngiti pa ni Max.
Sa townhouse ni Max lumipat si Pancho kaya hindi pa raw tapos ang pag-aayos nila.
“Hindi pa tapos sa sobrang dami niyang gamit.
“Adjustments like interior, gusto naming magpaayos ng kitchen, we wanted it to be bigger and more comfortable to cook in kasi kami na lang ‘yung magluluto.
“Sa totoo lang, hindi pa ako sanay magluto talaga. Si Pancho ‘yung mas sanay kaysa sa akin magluto.
“So kailangan ko talagang matuto. Enjoy the process lang of learning how to cook and then do chores together, maglinis and all those things together. So we want to start off just us,” diin pa niya.
Pinag-iipunan pa raw nila ang kanilang dream house.
“Nakiusap ako kay Pancho na sa townhouse muna kami kasi binabayaran ko pa yon.
“He’s going to help me pay it off and then eventually ‘yung goal namin is makalipat sa mas malaking bahay.
“Gusto namin mag-ipon muna habang nagtatrabaho, so it is more of a practical decision. It wasn’t really his decision. Nakiusap talaga ako na we save up for our dream house,” sey pa ni Max.
Wala pa naman daw nadidiskubre si Max na kakaibang ugali ang mister niya ngayong mag-asawa na sila.
IVAN HINDI INASAHAN ANG NATANGGAP
SA FAMAS
Thankful ang Kapuso hunk at isa sa boys ng The One That Got Away na si Ivan Dorschner sa pagtanggap niya ng German Moreno Youth Achievement Award noong 65th Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) last year.
Produkto ng Pinoy Big Brother si Ivan at naging talent siya ng ABS-CBN ng ilang taon. Noong 2017 lang nakatuntong sa bakuran ng GMA 7 si Ivan at napasama sa teleserye na Meant To Be.
“Sana nafi-feel niyo na I love what I do and I love other people that also love what I do and I would just like to say thank you for the recognition,” sey ni Ivan.
Hindi raw inaasahan ni Ivan na makakatanggap siya ng naturang award na ginagawad sa mga taga-showbiz na nagiging inspirasyon sa mga kabataan ngayon.
“It feels very important. I’m very thankful sa council ng FAMAS at hindi ko alam kung ano ‘yung ginawa ko mismo.
“Kung achievements, sana itemized list siya para mapakita ko naman sa mga magulang ko.
“I think ang pinakaimportante rito ay ‘yung mga natutuwa sa mga ginawa namin.
“Naapektuhan namin sila. Sana binigyan namin sila ng karapatan sumaya, ngumiti every night sa bawat event namin,” diin pa ni Ivan.
Ang yumaong Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno ang nagtatag ng German Moreno Youth Achievement Award sa FAMAS. Naalala pa ni Ivan ang unang mga araw niya sa GMA 7 nang papasukin siya sa opisina ni Kuya Germs na punung-puno ng trophies.
“Naaalala ko nu’ng mga first days ko sa GMA, hinila ako bigla ng mga executive papasok sa office ni Kuya Germs.
“The whole office was a trophy in and of itself. Kitang-kita lahat ng mga pagiging creative and artistic niya sa mismong office space niya.
“So if I’m a person this year na nakatanggap ng award na nakapangalan sa kaniya, you can call me proud,” ngiti pa niya.