Mamayang gabi na magkakaalaman kung sinu-sino ang mapapalad na mananalo sa 43rd Metro Manila Film Festival (MMFF). Magaganap ang Gabi ng Parangal sa Kia Theater in Araneta Center sa Cubao, Quezon City. Maglalaban-laban sa iba’t ibang categories ang eight official entries ng MMFF, ang All of You nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado, Deadma Walking nina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman, Ang Larawan nina Joanna Ampil, Paulo Avelino at Rachel Alejandro, Meant To Beh nina Vic Sotto at Dawn Zulueta, Ang Panday ni Coco Martin, Siargao nina Jericho Rosales at Erich Gonzales, Haunted Forest nina Raymart Santiago at Jayne Oineza at Gandarrapiddo: The Revenger Squad nina Vice Ganda, Pia Wurtzbach at Daniel Padilla.
May mga artista raw na hindi na a-attend ng Gabi ng Parangal dahil parang alam na nila kung sinu-sino ang mananalo. Sana hindi naman ganoon, dapat kung entry ang inyong pelikula, dapat win or lose ay present ang cast, even the technical people. Sana nga ay present naman kahit ang winners, huwag sanang tulad ng ibang awards night na wala ang mga winners, tapos ay makakarinig ng “sayang, sana um-attend ako para personal kong natanggap ang award ko.”
Ang Gabi ng Parangal ay may delayed telecast at mapapanood ito bukas, December 28, at 4:15pm sa TV5.
Kris hindi naalala ang pangalan ng magdidirek ng kanyang movie
Nakabalik na ang mag-iinang Kris Aquino, Joshua at Bimby from their vacation from Japan. Bago sila bumalik ng bansa, napanood namin ang live video na first time ginawa ni Kris sa hotel room nila. Hindi namin nasimulan ang live video na halata mong hindi pa niya kabisado dahil hindi niya alam kung naririnig daw siya habang nagpapatugtog siya ng Christmas songs, kung napapanood daw ba siya, at kung paano raw niya sasagutin ang questions at messages sa kanya.
Sagot ni Bimby, “I don’t know, I’m just ten years old.” Si Bincai (na kasama nila) ang sumagot na naririnig siya at basahin lamang niya iyong mga pumapasok na messages at questions na nakikita niya sa screen. It seems maraming nakakita ng kanyang live video kaya sunud-sunod ang pasok ng mga messages and questions sa iba’t ibang lugar sa mundo.
Ilan sa mga sinagot niyang tanong kung ano iyong gamit niyang red lipstick. Liquid lipstick daw iyon na ilang araw na ay hindi pa nawawala dahil hindi niya ginamitan ng lip gloss.
“Matatanggal lamang ito kapag nagsimula na akong mag-shooting sa March,” biro pa ni Kris. “I’m doing a movie for Netflix next year and I will do a movie with Derek Ramsay, to be directed by, I forgot the name of our director (si Chris Martinez ang tinutukoy niya), to be produced by Atty. Joji Alonso for her Quantum Films and I’ll co-produce it with my own company. Kaya dapat iba na ang lipstick ko. I cannot tell the story of the movie dahil bawal daw ikuwento.”
May nagtanong kung may kasama raw siya sa room.
“Wala akong kasama. Kung meron baka pigilan niya akong mag-live video dahil baka kung anu-ano na naman ang sabihin ko.”
Maraming nag-iimbita kay Kris na dumalaw sa lugar daw nila, isa ang nagsabi sa kanya na pumunta siya sa Milan, Italy. “Yes I will visit Milan, gusto kong puntahan iyong Duomo doon (Duomo de Milan Cathedral ang tinutukoy niya). Sa Barcelona, gusto ko ang Sagrada Familia.”
Noong Christmas day, kumain daw lamang sila ng sukiyaki at nag-shabu-shabu dahil too cold daw sa Japan at hindi niya carry ang lamig ‘di tulad ni Bimby na hindi giniginaw. Tinapos ni Kris ang live video niya sa pagbati ng “Merry Christmas from the Aquinos.”