Binyagan ng baby nina Bossing at Pauleen naging simple lang!

Baby Maria Talitha Luna Sotto

Welcome to the Christian world Baby Maria Talitha Luna Sotto, ang first baby nina Vic Sotto at Pauleen Luna. Noong Sunday, December 10, bininyagan si Baby Talitha sa St. James The Great Parish sa Ayala Alabang, Muntinlupa City.

Apat na pares lamang ang mga ninong at ninang ni Baby Talitha, sina Alden Richards, Ruby Rodriguez, Maru Sotto, Direk Bibeth Orteza, Miki Luna at Jenne Ferre, ang isa pang pair ay non-showbiz friends ni Pauleen. Dinaluhan ito ng buong pamilya nina Bossing at Pauleen.  Hindi naman nakara­ting si Alden dahil may Sunday PinaSaya siya.

Nag-post si Pauleen sa kanyang Instagram account after the baptism: “Today, our little angel got baptized! Same place where we exchanged I do’s too! Thank you to her ninongs and ninangs for accepting.  We are confident that with you around to guide her, she will grow to be a good girl.  Thank you also to our immediate family for joining us today! And as always, thank you Father Jeff for blessing our little girl.”

Vic and Pauleen got married January 30, 2016 at si Fr. Jeff din ang nagkasal sa kanila.  Sa tanong kay Bossing kung susundan pa si Baby Talitha, kung ipagkakaloob daw ng Diyos, at baby girl muli ang magi­ging anak nila ni Pauleen, baka matuloy na ang isa pang name na gusto niya, Jessica.

Ika-6… kinaaliwan ng mga OFW

Kinaaaliwan pala ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang panonood nila ng Ika-6 Na Utos, ang top rating afternoon prime drama series ng GMA 7. Kaya hindi kataka-takang mu­ling nanalo ng Best Actor at Best Actress awards sina Gabby Concepcion at Sunshine Dizon, res­pectively mula sa KAKAMMPI OFW Gawad Parangal.

At nag-post pa sila sa Instagram account ni Gabby ng pasasalamat sa kanila nina Sunshine at Ryza Cenon.

Ang drama serye ay sinasabing magwawakas na sa early 2018 ay sa direksyon pa rin ni Laurice Guillen, Monday to Saturday, after Eat Bulaga sila napapanood.         

Ruru happy na kahit guest lang sa Meant…

Masaya pa rin si Ruru Madrid kahit guest role lamang ang ginampanan niya sa Meant To Beh na official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) simula sa December 25, dahil isang malaking honor sa kanya na makasama for the first time sina Bossing Vic Sotto at Ms. Dawn Zulueta.

Dati raw ay dream lamang niyang makatrabaho sila. Sila pa rin ng ka-love team na si Gabbi Garcia ang magkatambal sa movie na dinirek ni Chris Martinez.

Makakasama rin niya sina Pauleen Luna-Sotto, Kristine Hermosa-Sotto, Oyo Sotto, JoWaPao at sina Alden Richards at Maine Mendoza sa kanilang special participation sa pelikula.

Show comments