Boses ni Charice hindi na maabot ni Jake!

Jake

Mas magaling ang dating Charice kesa kay Jake Zyrus.

Ito ang comment ng ilang nakarinig sa duet nina Charice at Jake sa concert ng transgender man last Friday night sa Music Museum.

Hindi na raw ganun ka-powerful ang boses ngayon ng dating si Charice at parang hirap nang kumanta sa kanyang concert.

Ibang-iba na raw at talagang nakakapanghinayang at parang hindi na siya ang dating biritera na kinabibiliban ng marami. Malalim na umano ang boses nito at talagang ang layo na sa dati.

May mga iniinom na testosterone pills si Charice para maging lalaki ang sistema ng katawan.

Anyway, balita namang nanood ang kanyang lola ng kanyang concert at nakikanta pa ito.

Last Night Cast

Last night naka-P60 m

Parang matumal nga ang kita ng mga pelikulang Tagalog na pinalalabas lately.

Ultimo ang pelikulang Last Night nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga, naka-P60 M in two weeks.

Samantalang dati pag two weeks na sa mga sinehan sa pelikula nila, P300 million na. Eh mas mahal pa ang sine ngayon ha kumpara three year ago.

Or baka naman talagang hindi tanggap ng manonood ang pelikulang tungkol sa pagpapakamatay na parang ang casual casual ng mga pangyayari.

May ilang sinehan pa na palabas ang Last Night.

Show comments