Pilar Pilapil naki-indie na rin
Nag-iingay ang Inding-Indie Film Festival na pinasok na rin ang pagkuha ng talent. Ipinagmamalaki ng grupo sina Jeffer Kim, Cj Sambilay, Trixie Valdes, Stephanie Escusa, at Naima Aharijan na rumarampa bilang commercial models. May ibubuga rin ang aspiring artists ng Inding-Indie Film Festival sa pag-arte at aktibo sa public service.
Samantala, nag-release ng statement ang Executive Producer na si Mr. Ryan Manuel Favis na ngayong taon ay ilalabas din ang espesyal na handog ng Inding-Indie Film Festival, isang napakagandang obra na pinagbibidahan nina Rhea Usares, Eun Jin Kim, at Jayzelle Estrada. Ang pelikulang ito ay ang Moonlight Flowers directed by Ron Sapinoso. Kasama rin sa pelikula ang Gawad Urian Best Actor na si Lou Veloso, Jackie Aquino, Louella De Cordova, Cj Ramos, at Jenny Fajardo at maging ang batikang artista at multi-awarded actress na si Ms. Pilar Pilapil.
Bukod dito, mapapanood din ang 14 short films mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Kasama rito ang Gising, Obligasyon, Maranhig, Temporary Title, Agaw Pansin, Ama-Ina-Kapatid, Angel’s Cry, Init, Basta No Talk Ako, Lubong, Panata, Noong Araw nang Maniwala si Abel sa Impyerno, Puchang Pag-ibig to, at Lana.
Ang Grand Opening ng 4th Inding-Indie Film Festival ay sa darating na Setyembre 30, 2017. Inaasahan na maraming artista, public officials, at mga personalidad ang darating. Gaganapin naman sa Disyembre 3, 2017 ang gabi ng parangal.
- Latest