Anak ni Ogie may allergy sa ‘trabaho’ ni Regine!
Dahil busy na sa isang telefantasya si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, parati raw niyang nami-miss ang anak nila ni Ogie Alcasid na si Nate.
Gumaganap bilang si Sandawa si Regine sa bagong telefantasya ng GMA-7 na Mulawin Vs. Ravena. Kaya madalas daw ay nasa malayong location si Regine at late na ng gabi siya nakakauwi.
“Nasanay na kasi si Nate na maaga akong umuuwi kasi mabilis lang ang trabaho ko sa Full House Tonight.
“Eh nag-last taping day na kami for Full House Tonight kaya itong Mulawin Vs. Ravena na ang abala ko.
“Gustuhin ko mang isama si Nate sa location taping namin, masyado kasing malayo at baka mapagod lang ‘yung bagets.
“Hindi ko rin siya puwedeng isama sa studio shoot namin kasi may mga lupa-lupa doon. Eh, may hika si Nate. Baka atakihin kapag malanghap niya ‘yung dust sa studio.
“Kaya bahay lang muna siya at hinihintay niya ako.
“Eh, minsan late na ako makauwi at tulog na siya. Nami-miss ko lang siya kapag nasa work ako.
“Kaya any chance I have na makasama siya kapag libre ako, tinotodo ko kasi nasa-sad din daw siya kapag wala kami ni Ogie,” sey pa ni Regine.
Kaya noong nakaraang Mother’s Day, nag-post si Regine sa kanyang Instagram ng isang mensahe para kay Nate:
“My greatest gift I’m not sure if I’m a good or bad mom. Most of the time I’m second guessing myself, if I’m doing the right thing. Like you I’m also still learning.
“But one thing I’m very sure of I LOVE YOU. Mamahalin kita kahit mahirap ka na mahalin. Mamahalin kita kahit may iba ka ng mahal. Higit sa lahat mamahalin kita....... kahit ako na lang mag isa magmamahal sayo lalo pa kitang mamahalin. My Boo I’m yours forever. I love you Mom ”
Pinoy theater actors
pararangalan sa NY
Bibigyan ng parangal sa 73rd Theater World Awards on June 5 in New York ang mga Pinoy theater actors na sina Jon-Jon Briones at Eva Noblezada dahil sa pinakita nilang husay sa pagganap sa Broadway revival ng musical na Miss Saigon.
Si Jon-Jon Briones ang gumanap bilang the Engineer sa revival ng Miss Saigon in London noong 2014. Nakakuha siya ng nomination as Best Actor in a Musical mula sa Laurence Olivier Award at Whatsonstage.com Award.
Ngayong 2017, si Briones pa rin ang kinuhang gumanap bilang the Engineer sa pagbukas ng Miss Saigon on Broadway noong nakaraang March lamang.
Kelan lang ay nakatanggap si Briones ng Drama Desk Award nomination for Miss Saigon.
Noong 1989, isa si Briones sa mga Pinoy actors na napili para makasama sa original cast ng Miss Saigon na pinalabas sa Drury Lane Theatre in West End London. Kabahagi lang noon si Briones sa ensemble cast.
Si Eva Noblezada naman ay kakatanggap lang ng kanyang first Tony Award nomination for Best Actress in a Musical para sa pagganap niya as Kim sa Broadway revival ng Miss Saigon.
Si Noblezada rin ang gumanap na Kim sa 2014 West End revival ng Miss Saigon.
Ryan Seacrest nasulot na rin ng ABC sa FOX
Nanghinayang ang Fox CEO and Chairman, Dana Walden noong malaman niyang sa ibang network na mapapanood ang American Idol.
Ni-reveal ni Walden na may usapan sila ng production company ng American Idol na Freemantle Media na sa year 2020 nila ibabalik ang naturang reality singing competition.
Pero huli na nilang malaman na inilapit na ito sa ABC at sa 2018 na muling bubuhayin ang American Idol.
Umere ang American Idol ng 15 seasons sa Fox TV network.
Naniniwala si Walden na masyado pang maaga para muling ibalik ang American Idol, lalo na’t namamayagpag pa sa ere ang nakalaban nilang The Voice.
May possibility na si Ryan Seacrest pa rin ang maghu-host ng American Idol sa ABC dahil kakapirma lang nito ng kontrata with ABC para maging co-host ni Kelly Ripa sa Live Witth Kelly & Ryan
- Latest