Jerika gusto pa ring kaibiganin si Bernard!

Obvious na ‘di na nga magkakabalikan, Salve A., sina Jerika Ejercito na only daughter ni former President and now Manila Mayor Joseph Estrada and actress Laarni Enriquez, at Bernard Palan­ca. Kahit pa may magta-tatlong taong anak na silang lalaki, si Isaiah.

Kung sabagay, binanggit ni Jerika sa isang interview that she would like her and Bernard to stay friends, alang-alang kay Isaiah. After all, nananatili pa ring ama ni Isaiah si Bernard.

In any case, at the recent 80th birthday party ni Mayor Erap, held sa Fiesta Pavilion ng Manila Hotel, ang good looking guy na escort ni Jerika, na obviously ay ‘di celebrity, ay kanyang boyfriend. Actually, they didn’t only look good together pero extremely sweet sila sa isa’t isa.

Agaw atraksyon, Salve A., ang four year old na si Ellie, na anak ni Jake Ejercito sa aktres na si Andi Eigenmann.

Siya ang pinakabata sa mga apo ni President Erap na nag-perform.

Of course, may mga professional singers din na nag-perform, kabilang na sina Pilita Corrales, Lani Misalucha at Sarah Geronimo.

Filled with celebrity guests, mula sa politika, showbiz at business ang buong hall ng Fiesta Pavillion.

But most impressive among the important guests, of course, was President Digong Duterte. Although, present din si former President Gloria Arroyo, na dumating kasama ang asawang si Mike Arroyo.

Pusong Ligaw nina Diego at Sofia, one year pinag-isipan

Naku, Salve A., abangan natin ang bagong series na Pusong Ligaw, na production ng Star Creatives, headed by Malou Santos, COO (Chief Operating Officer) ng Star Cinema and several other departments sa ABS-CBN.

Well, for many reasons.

Una na rito ay dahil ito ang  first team-up in an important project nina Diego Loyzaga at Sofia Andres.

Ayon pa kay Diego, umabot daw ng higit sa isang taon ang pag- conceptua­lize ng naturang teleserye na magsisimula na sa April 24.

Aware raw kasi, Salve A., ang tatlong direktor na sina GB Sampedro, Efren Vibar and Henry King Quintain, na ‘di lang well-followed kung hindi powerful ang series na kanilang papalitan, ang The Greatest Love.

Kaya, ‘di man daw nila ma-surpass ang success na tinamo ng The Greatest Love, they’ll make sure na mapapantayan nila ito.

Pusong Ligaw, aside from Diego and Sofia, also stars Beauty Gonzales, Joem Bascon, Enzo Pineda, Bianca King and Raymond Bagatsing.

Baguhang si Gabby lumayas agad

Sayang, Salve A., at ‘di kami nagkaroon ng pagkakataong makausap o ma-meet man lang si Gabby Padilla, na siyang gumanap na bida sa film-made for television na idinirek ng award-winning director na si Brillante Mendoza, na may titulong Pagtatapos at ipapalabas this Saturday, April 22, sa TV5.

Bagama’t halatang baguhan, magaling si Gabby. Yes, considering na ang gumaganap na ama’t ina sa Pagtatapos ay ang magagaling na artista na sina Nonie Buencamino at Sharmaine Buencamino, na real-life couple.

Ang Pagtatapos ay tungkol sa isang girl na may problema, ‘di lang sa kanyang pag-aaral, kung hindi kung paano rin makisalamuha sa kanyang mga kaeskuwela pati na sa mga teachers. At higit sa lahat, sa kanyang mga magulang na hiwalay na.

Kaya, parang appeal ang Pagtatapos sa mga magulang na tumutok sa kanilang mga anak, punuin nila ang mga ito ng pangaral, bago pa, kumbaga mahuli ang lahat.

Sa tunay na buhay, common knowledge na nagkaroon ng anak sina Nonie at Sharmaine na sa ‘di malamang sanhi ay basta na lamang nagpakamatay.

Show comments