Kris wala na raw asim

MANILA, Philippines - May mga taga-Nueva Ecija na nag-react sa akusasyon ni Kris Aquino sa mag-inang Rhodora Morales at Renan Morales hinggil sa pagpapalabas ng Trip Ni Kris.

Paano raw mangyayari ito, eh sikat ang pamilya Morales sa nasabing probinsya lalo na si Tita Doray (Rhodora). Hindi raw ang pamilya Morales ang nagamit dahil sila ang gumastos para maisakatuparan ang pagbabalik sa telebisyon ni Kris.

Sana ay matutuhan ni Kris na magpasalamat sa mga taong sumasalo sa dinadaanan niyang problema.

May nagtatanong nga, may asim pa ba si Kris sa madla?!

Kulay ng buhok ni Janice panira sa kanyang kahirapan

Mabuti na lang at kahit papaano ay marunong umarte si Maine Mendoza dahil kung hindi, lalong magsa-suffer ang Destined To Be Yours, ang series nila together ni Alden Richards na bumibilang na ng araw para matuldukan sa ere.

Wala raw kasing kalatuy-latoy ang teleserye ng dalawa na mistulang ginawa pa noong panahon ng Sampaguita at LVN Pictures.

Common daw kasi ang istoryang inaapi ng mayayaman ang mahihirap.

Sa serye, sila Maine ang mahirap at nanay niya si Janice de Belen na hindi naman mukhang mahirap dahil sa matingkad na pulang buhok nito.

Tsaka mababaw ‘yung drama ni Maine bilang radio announcer na nagbibigay payo sa mga tagahanga. Wala raw kahugut-hugot man lang sa mga tagapanood.

Marami namang magagandang istorya sa GMA 7 kung bakit daw sa Destined To Be Yours pa natokang ipanlaban sa My Dear Heart ng ABS-CBN.

 

Show comments