Reyna ng Aliwan malalaman na!

MANILA, Philippines - Inaasahang higit na mag-iinit ang labanan sa taunang selebrasyon ng Aliwan Fiesta, sa paglahok ng 22 naggagandahang dilag sa timpalak ng Reyna ng Aliwan, na gaganapin sa maningning na mga pagtatanghal sa April 21.

Inilahad na ng Manila Broadcasting Company ang listahan ng mga kalahok sa taong ito, na suportado muli ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas at mga lungsod ng Maynila at Pasay.

Mula sa Luzon, kasali sina Alexia Edmund para sa Bambanti festival ng Isabela; Dianne Irish Joy Lacayanga para Panagbenga festival ng Baguio; Alyssa Charish Vivasl para sa Kneeling Carabao festival ng Pulilan, Bulacan; Patricia Kate Gonzales para sa Antipolo Maytime festival; Ahtisa Manalo, ang kasalukuyang Bb. Niyogyugan ng lalawigan ng Quezon;  Vivien Fabella para sa Boling-Boling festival ng Ca­tanauan, Quezon; at si Leidda Paulette Babasanta para sa Sikhayan festival ng Sta. Rosa, Laguna

Mula naman sa ka-Bisayaan, matutunghayan sina Marla Alforque para sa Sinulog ng Cebu; Apriel Smith para sa Utanon festival ng Dalaguete, at si Kathleen Mae Lendio para sa Karansa festival ng Danao. 

Hindi rin papatalo ang mga Ilonggo, sa kanilang mga kinatawang sina Elaine Segura para sa Iloilo Paraw Regatta;  Rowena Gandeza para sa Manggahan festival ng Guimaras; at si Erna Torreblanca para sa Masskara festival ng Bacolod.  Pambato naman ng mga Waray si Venisse Charm Costibolo para sa Sangyaw festival ng Tacloban.

Manggagaling sa Mindanao naman sina Julie Faith Agsalud para sa Zamboanga Hermosa festival; Angelica Doguiles para sa Pescao festival ng Zambaonga; Carmela Villaruel para sa Timpuyog festival ng Sarangani; Ariella Jazmine Roque para sa Tuna festival ng General Santos City; Kyla Ocso para sa Kalivungan festival ng Kidapawan, North Cotabato;  Liezel Libria para sa Sultan Kudarat festival ng Maguindanao, at si Aira Abedin para sa Inaul festival ng Maguindanao.

Ang magwawagi bilang Festival Queen ng Aliwan Fiesta 2017 ay mag-uuwi ng P100,000 at tropeo, bukod sa pagiging ambassadress of goodwill ng turismo.  

Ginanap ang pageant night noong April 1 sa harap ng Aliw Theater sa CCP Complex  Ang coronation night ay kasunod ng Grand Parade ng ika-22 ng Abril.

Ang Aliwan Fiesta ay suportado rin ng Pride Detergent, Unique Toothpaste, Shield Bathsoap, Tanduay, Globe Telecom, EyeBerry, Dunkin’ Donuts, Cherry Mobile, Fukuda, MyJuiz, AICS, M. Lhuillier, 2Go, Manila Bulletin, GES Led Lights, Steeltech, Maxim’s Hotel sa Resorts World Manila, Bayview Park Hotel, Isla 7107, Zanea Shoes, at ng It Figures Facial and Slimming Salon.

Para sa karagdagang kaalaman, tawagan ang  832-6125 o mag-email sa siouxstar@gmail.com;   maaari ring tingnan ang www.aliwanfiesta.org.ph,  o ‘di kaya’y ang official Facebook page.

Show comments