Alden dadalhin si Maine sa Empire State!
Kagabi, April 8, at 9:00PM umalis ang grupo ng Kalye Serye Sa US for Los Angeles, California, sina Alden Richards, Maine Mendoza, at JOWAPAO (Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros) para sa concert nila sa Pasadena Civic Auditorium ngayong Sunday (US time).
Kahapon bago umalis, nag-Eat Bulaga pa si Alden at nag-host kasama nina Tito Sen, Vic Sotto, at Allan K sa Juan For All segment. May request si Tito Sen kay Alden: “dalhin mo si Maine sa Empire State Building.”
“Kapag may time po kami Tito Sen, dadalhin ko siya roon,” say ni Alden.
Sa April 12 pa ang KS Sa US New York at kahit ang mga fans, gusto nilang dalhin ni Maine (since nakapunta na siya ng New York) si Alden sa Serendipity restaurant kung saan kinunan ang American movie na Serendipity tungkol sa dalawang lovers na nagkahiwalay pero naniwalang one day, muli silang magkikita.
Ayon sa fans, marami nang naghihintay kina Alden at Maine roon.
Tradisyon ng EB mapapanood na
Patuloy ang tradisyon ng long-running noontime show na Eat Bulaga tuwing Semana Santa, na nagpapalabas sila ng mga episode na nagbibigay-aral sa mga manonood tungkol sa pag-ibig, pagpapatawad, pamilya at pagkakaibigan.
Sa taong ito, sa halip na tatlo lamang episodes mula Lunes Santo hanggang Miyerkules Santo, tig-dalawang episodes ang mapapanood bawat araw.
Sa Holy Monday, April 10, ang Inay na magtatampok kina Paolo Ballesteros, Allan K, Sinon Loresca, Cheska Diaz, Cris Villanueva, Kier Legaspi at si Ms. AiAi delas Alas ang mapapanood sa direksyon ni Jose Javier Reyes.
Susundan ito ng Kapatid na magtatampok kay Ryan Agoncillo at si Alden Richards, na gumaganap na isang special child. Muling ipakikita ni Alden ang husay niya as a dramatic actor. Makakasama rin nila sina Ruby Rodriguez, Pia Guanio, Jerald Napoles, sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.
Holy Tuesday, April 11, eere ang Pagpapatawad kung saan tampok sina Patricia Tumulak, Jennica Garcia, Taki, Baste, Marc Abaya, JC Tueseco, Kenneth Medrano, at si Ms. Lorna Tolentino.
Muling patutunayan ni Lorna na grand slam best actress siya. Sa direksyon ng mahusay na director at actress, si Ms. Gina Alajar.
Tampok naman sa susunod na episode si Maine Mendoza bilang Prinsesa.
Todo-drama si Maine rito na malayo sa ginagawa niya sa kalye serye ng Eat Bulaga at sa kanilang teleserye ni Alden Richards na Destined To Be Yours.
Wala siyang kilalang pamilya, lumaki sa kalye at natutong mandukot para mabuhay. Kasama rin sina Ryzza Mae Dizon, Wally Bayola, Anjo Yllana, Tommy Penaflor at Joel Palencia. Sa direksyon ni Mike Tuviera.
Holy Wednesday, April 12, ang Mansyon na tampok sina Jose Manalo at Tito Sotto ang mapapanood. Kasama rin nila rito sina Miggy Tolentino, Kim Last, Jon Timmons, Jimmy Santos. Special guest si Barbie Forteza at may special participation si Jake Ejercito sa direksyon ni Linnet Zurbano.
Final episode ang Kaibigan na tampok ang best friends on and off-camera na sina Vic Sotto at Joey de Leon.
Special guests ang mga Kapuso star na sina Bianca Umali at Kim Rodriguez. Pipigain ni Direk Joel Lamangan ang puso ng mga manonood sa story ng pagkakaibigan nina Vic at Joey.
Mapapanood ang EB Lenten Special mula 11:30 a.m to 2:30 p.m.
Samantala, huwag kalimutan ang #TripNiKris, ni Ms. Kris Aquino, on Palm Sunday sa GMA Network, mamayang gabi pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho at 10:30 p.m.
- Latest