^

Pang Movies

Awra hinihiritang maging sidekick ni Liza sa Darna

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Marami ang nagsa-suggest na kung matutuloy si Liza Sobe­rano sa Darna, bagay guma­nap na Ding si Awra Briguela tutal naman daw modang-moda ang paglaganap ng mga beki ngayon.

Noong araw, si Ding ay ginampanan ni Boy Alano na isang tipikal na bata ang papel na kasama ni Narda na si Darna kapag nagpapalit ng anyo. Hindi na rin kasi puwede ang mga sikat na child star ngayon dahil mukhang mga manyika ang face nila at hindi mukhang mahirap.

Si Liza naman sabi ng iba ay kahawig daw ng unang darna na si Rosa del Rosario na always smiling.

Gabby ipinagtanggol ng fans

May nakakwentuhan kaming fans ni Gabby Concepcion, nasasaktan daw sila kapag pinatututsadahan ang actor dahil hindi matuluy-tuloy ang balik-tambalan nila ni Megastar Sharon Cuneta. Hindi raw kasi totoo na tumatanggi si Gabby at lalong hindi malaman kung sino’ng mahadera ang nagpakalat na P10 million ang hinihingi niyang TF.

Wala pa naman daw pasabi sa actor at walang script na tinatanggap kung totoo bang gagawin ang pelikula. Nasa tamang lugar ang gustong usapan ng actor, ‘yung talagang may pag-uusap.

Julio nakabili ng bagong kotse dahil kay Coco

Sadya palang ipinahanap ni Coco Martin si Julio Diaz noong mabalitaang may sakit at nagpapagaling ang beteranong aktor. Binigyan niya ito ng markadong papel sa Ang Probinsyano. Malaking tulong ito para kay Julio at ngayon ay nakabili pa ng sasakyan.

Hulog daw ng langit sa mga artista si Coco na may malasakit sa kapwa artistang nangangailangan. Dapat siyang tularan ng mga nakakaangat na artista.

                                                               

vuukle comment

BOY ALANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with