Anak ni Bossing may hugot sa serye nina Alden at Maine!

Mabilis na nagpasalamat sina Alden Richards at Maine Mendoza at ang GMA Network sa lahat ng mga nanood ng world premiere ng pilot episode ng first teleserye ng phenomenal love team na Destined To Be Yours last Monday, February 27. 

Nag-trending agad ang kanilang soap sa social media, nationwide at worldwide. Sa worldwide nasa 4th spot sila with 2.01m tweets. Sa nationwide, a total of 6.6 million tweets; 3.9 million for the Original Hashtag of #DestinedToBeYoursWorldPremiere at 2.7 million for the tagline DTBY WorldPremiere. 

Post naman ng TwitterPH, 4.6 million tweets ang related sa #DestinedToBeYoursWorldPremiere.

Kahit mga kapwa Kapuso stars ay nanood ng pilot telecast, kabilang na ang mag-sweetheart na sina Mark Herras at Wyn Marquez.  May cameo role si Mark as Eboy na ex ni Maine.

Bumati rin si Benjamin Alves.

May hugot naman ang tweet ni Pasig Councilor Vico Sotto: “Dalawang tele­serye na nga lang ang interesting para sa ‘kin, magkatapat pa #MDHMagkalaban #DestinedToBe YoursWorldPremiere.”  (Ang katapat na sinasabi ni Vico, ay iyong kasama naman sa cast ang mommy niyang si Coney Reyes, ang My Dear Heart.

Kahit ang Dabarkads sa Eat Bulaga ay dini-discuss din ang pilot telecast ng soap at sa mga televiewerna napapanood gabi-gabi pagkatapos ng Encantadia.

Kapuso programs napansin sa NY Filmfest

Six programs ng GMA Network ang nominated sa New York Festival’s International Television & Film Awards 2017 na gaganapin ang awards night sa April 25, 2017 sa Las Vegas, Nevada, USA.

Ang inspirational drama series na Someone To Watch Over Me nina Lovi Poe at Tom Rodriguez ang only Filipino teleserye na nominated sa festival.

Ang lima pang shows ay mula sa GMA News & Public Affairs: Investigative Documentaries: PAAralan; Kapuso Mo Jessica Soho – Gintong Medalya; Reporter’s Notebook – Pasan-Pasang Pangarap; Front Row – “Bata Sa Bintana;” at Reel Time – Maling Akala.

 

Show comments