Pinoy actor na si Jake Macapagal humahataw na kapre sa orig HBO series!

Nakakatuwang malaman na may isang purong Pinoy actor na kasama sa cast ng HBO original series na Halfworlds na ngayon ay nasa second season na.

Ito ay ang theatre-indie film actor na si Jake Macapagal at siya ang gumaganap bilang si Kaprey.

Obviously, galing sa Pinoy mythical folklore character na Kapre ang role ni Jake dahil lagi itong may hawak na tobacco cigar at namumuno ito sa isang lugar kung saan ang mga maliligaw ay hindi na makakalabas hanggang wala siyang permiso.

Isa sa mahusay na Pinoy actors natin si Jake Macapagal na lumabas na sa ilang mga indie film na ipinalabas sa mga international film festival. Kabilang sa mga ginawa niya ang indie films na Compound, Aswang, Foster Child, Posas, Metro Manila, at Kid Kulafu.

Ikinuwento ni Jake kung paano siya nakuha para sa Halfworlds.

“I met Mike Wiluan of Infinite Studios a couple of years ago, he said he wanted to work with me on a project someday.

“Last year, Erika North of HBO rang me up and asked if I would be interested to join the season 2 of Halfworlds. Both Mike and Erika had seen Metro Manila so I said ‘Yes, are you kidding?’

“Needless to say, I am thrilled to be cast and yes, Kaprey is based on our local folklore.

“Although in Halfworlds, we live amongst the mortals, so we look like them. It was comforting to know that I am going to an international production and I’m playing a Filipino—not Vietnamese, or Chinese but Pinoy.”

Bukod sa Halfworlds, sisimulan din ni Jake ang isang web series for Direk Erik Matti na On The Job: The Series in May 2017.

Male TV host pinakabitan ng CCTV ang apartment ng kaibigan na bumabalik sa pagdodroga

Tinalakan daw ng isang male TV host ang isa sa kasama nito sa show dahil muli itong bumalik sa dating masamang bisyo.

Ayaw kasing mapahiya ni male TV host sa mga taong pinakiusapan niyang tanggapin na maging co-host ang kaibigan kaya noong malaman niyang nakikipagkita raw ito sa mga dating kaibigan na nalululong sa masamang bisyo, inunahan na niya itong pagsabihan.

“Naku minura-mura siya ni male TV host,” tsika pa ng saksi sa eksena.

“Paano naman, inuumaga na ng uwi ‘yang kaibigan niya. ‘Yun pala ay nakipagbarkada ulit sa mga dati niyang kaibigan na ipinahamak siya noon.

“Siguro nagbida na kumikita na siya. Ayun, noong malaman ni male TV host, pinuntahan siya sa bahay at pinagmumura. Huwag daw siyang ipahiya sa mga taong pinakiusapan niya. Kapag nakulong daw ito dahil sa paggamit ng droga, hindi niya ito tutulungan dahil ayaw niyang madamay sa kagaguhan nito.

“Ayun eh ‘di umiyak ang pobre. Natauhan sa mga pinaggagawa niya.

“Humingi ng sorry kay male TV host at nangako na iiwasan na niya ang mga taong iyon.

“Kapag nalaman daw ni male TV host na gumagamit ito o nakipagkita sa mga taong iyon, siya na raw mismo ang magsasabi rito na huwag na itong mag-report sa show.”

Para makasiguro ang male TV host na titino ang kaibigan niya, nag-install ito ng mga CCTV camera sa apartment ng kaibigan para mabantayan niya nang husto ang mga kilos at kung sino ang mga taong labas-masok sa bahay nito.

“Kaya wala na siyang kawala. Kung merong kuwestiyunableng tao na makita si male TV host, agad itong tatawag sa barangay tanod para pumunta sa bahay ng kaibigan niya.

“Kaya walang choice ito kundi mag-behave at magseryoso sa trabaho niya,” pagtatapos pa ng source namin.

Rihanna kinilala ng Harvard sa kanyang charity works

Ang R&B superstar na si Rihanna ang hinirang na 2017 Harvard University Humanitarian of the Year dahil sa kanyang mga charity works.

Igagawad sa 28-year-old singer from Barbados ang kanyang award on February 28 sa Harvard University.

Nagtayo rin ng isang scholarship program si Rihanna na ipinangalan niya sa kanyang grandpa­rents. Para ito sa mga Caribbean student na nag-aaral sa U.S. at kailangan ng suporta para makatapos.

Kahilera na ni Rihanna ang mga big-named celebs na nabigyan ng naturang award tulad nila former UN secretary general Ban ki-Moon, Pakistani activist and Nobel Peace laureate Malala Yousafzai, and singer Lionel Richie.

 

Show comments