^

Pang Movies

Ilawod inilihim ang shooting!

ISYU AT BANAT - Pang-masa

Ganap nang bida ang 13-year-old na si Harvey Bautista sa isang horror movie ng Quantum Production, ang Ilawod na idinirek ni Dan Villegas.

Parang kailan lang, musmos pa at maliit na bata at inaalagaan pa si Harvey sa taping ng first TV show niya na Goin’ Bulilit sa ABS-CBN with sister Athena Bautista. Noon pa naman sikat na si Harvey, hindi dahil anak siya ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, kundi dahil sa kanyang galing sa harap ng kamera.

Likas nang dumadaloy sa kanyang ugat ang dugong artista, dahil ang tatay niya na si Mayor Herbert ay isa ring magaling na artitsa. Ang lolo naman niya ay isa sa mga miyembro ng Lo Waist Gang na barkadahan nina Fer­nando Poe, Jr., sina Boy Sta. Romana, Bobby Gonzalez, Tony Cruz, Mario, Arsenio “Butch” Bautista.

Ang kanya namang lola ay si Baby Bautista na showbiz din. Kumbaga mahirap pigilan ang pag-aartista ni Harvey at ng Ate Athena niya. Mukhang papasok din sa showbiz si Race Bautista na kapatid ni Harvey sa ama.

Tumangkad si Harvey, kahit 13 years old pa lang siya, guwapo at higit sa lahat ay napakagalang magsalita. Graduate na siya ng Goin’ Bulilit.

Ngayon ay grade 8 na si Harvey sa Multiple International School. Kahit daw nag-aartista siya, priority pa rin daw niya ang pag-aaral, at wish na maging degree holder silang magkakapatid.

Pangungunahan nina Iza Calzado at Ian Veneracion ang Ilawod na halos inilihim ang shooting para makapag-concentrate ang mga star at mapabilis ang trabaho dahil may early playdate ito sa mga sinehan which is sa January 18.

JK papasang kapatid ni James

Mayroon na namang ibini-build up ang ABS-CBN or Star Magic na isang young, cute and handsome boy na gumaganap na Lucas sa A Love To Last. Siya si Juan Karlos Labajo na tipong James Reid ang dating. Ang galing magsalita at marunong sumagot sa question and answer portion nang mag-guest siya sa Tonight With Boy Abunda.

Watch this boy dahil may ibubuga. At saka type ko kaya ‘yung suot na sweater ni Kuya Boy!

Aktres nagpaka-OA dahil takot masapawan

Sobrang OA na kung umarte ang aktres na ito na napapanood natin sa isang daily noontime show. Hindi siya dating OA, magaling siyang umarte.

Hindi kaya insecured lang siya dahil nasasapawan na siya ng isang aktres na kasama sa show? Ma at Pa!

Panyo ni Sid sa mukha, hindi maalis-alis

Bakit daw hindi man lang natanggal ‘yung panyo na nakatakip sa mukha ni Sid Lucero na ayaw makilala siya ni Ding­dong Dantes sa nakaraang episode ng Alyas Robin Hood ng GMA-7?

Grabe ‘yung isang eksena na nagbabakbakan sila, gustong malaman ni Robinhood kung sino si Vinz (Sid) na may takip ang mukha.

 E, ‘yung purpose ni Robin Hood ay makilala ang pumatay sa ama niya, sa isang suntok daw ay maaring matangal ang panyo or puwedeng mahablot at maalis, pero how come na sa tagal ng banatan nila ay hindi ito natanggal, hangang sa makatakas na lang itong si Vinz (Sid)?

‘Yan ang pinagtatalunan sa kuwentuhan ng fans at vewers ng series. E, kasi matatalino na ang mga manonood, fans,  at viewers ngayon. ‘Yun lang po!

vuukle comment

HARVEY BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with