^

Pang Movies

Lyca nakapagpundar na ng bahay at sasakyan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

First movie ng The Voice Kids Season One grand champion na si Lyca Gairanod ang Tatlong Bibe kung saan kasama niya ang dalawang child actors ng ABS-CBN na sina Raikko Mateo at Marco Masa.

Marami ang nagulat sa magandang transformation ni Lyca. Tumangkad na ito at blooming pa.

Kung dati nga raw ay para siyang ugly duckling, ngayon ay nagiging magandang swan na siya.

Natutuwa naman ang marami sa papagandang buhay na ni Lyca.

Hindi kaila sa marami ang dating buhay ni Lyca bago ito sumali at nanalo sa The Voice Kids.

Mangingisda ang kanyang ama at nangongolekta sila ng kanyang ina ng mga plastic na bote at mga lumang diyaryo para makadagdag sa pambili nila ng pagkain araw-araw. Nagawa pang kumanta ni Lyca sa mga kapitbahay para lang malimusan siya ng pera para makabili ng pagkain.

Ngayon ay tila malayo na ang mahirap na buhay na iyon ni Lyca sa buhay niya ngayon.

Nakabili na raw sila ng magandang bahay at meron na rin silang bagong sasakyan.

Lahat daw ng mga naipon niya sa kanyang mga nilabasan na show after niyang manalo ay tinago at inipon nila para maabot nila ang maginhawang buhay ngayon.

“Tamang-tama lang po ang buhay namin ngayon. Hindi po kami sobrang yaman. ‘Yung tama lang po.

“Ang importante po ay magkakasama kami ng pamilya ko at sabay po kaming nagiging masaya sa nangyayari ngayon,” ngiti pa ni Lyca.

Isang teleserye pa lang ang nagagawa ni Lyca (Hawak-Kamay) pero napapanood naman siya sa Goin’ Bulilit. Mas madalas daw kasing nagsu-show siya sa iba’t ibang lugar.

“Naging busy din po ako sa pagtapos ng album ko po. This year po siya lalabas,” masayang balita pa niya.

Mika nakinig sa payo ng kapatid

Eleven years na artista ng Kapamilya network si Mika dela Cruz. Isa siya sa mga in-demand na child stars sa naturang network. Pero ngayon ay Kapuso na siya.

“Sabi ng ate ko (Angelika dela Cruz) magaling mag-alaga ang GMA, mabait sila sa mga artista nila, ma-a-appreciate nila ‘yung talent ko so try ko raw roon. Sabi niya mag-e-enjoy ka rin.

“Actually kasi manager ni Ate po si Tito Perry (Lansigan). Sabi niya doon ka kay Perry mabait ‘yon tapos sa GMA Artist Center maalaga sila,” sey ni Mika.

Hindi na raw nagdalawang-isip si Mika at pumirma na siya with GMA 7.

“Nakikita ko naman po kung paano sila rito sa GMA. I trust my ate and I trust her decisions at saka decision ko rin naman po ito.

“Nafi-feel ko ‘yung pag-aalaga nila, sa handlers ko pa lang, sa managers ko pa lang, nafi-feel ko ‘yung pag-aasikaso.

“Napapa-feel nila sa ‘yo na you are valued, you are important kahit kontrabida ako rito.

“Walang discrimination, walang pressure” ngiti pa niya.

Natuwa pa si Mike nang malaman niya na si Barbie ang magiging bida ng Meant To Be. Matagal na raw silang magkaibigan ni Barbie dahil naging magkapatid sila sa pelikulang Ang Darling Kong Aswang noong 2009.

Ken matagal natengga

Noong March 2016 pa natapos ang pinagbidahan ni Ken Chan na Destiny Rose at natagalan nga bago siya mabigyan ulit ng teleserye.

Inabot ng higit na eight months bago siya isama bilang isa sa leading men ni Barbie Forteza sa Meant To Be.

Inamin ni Ken na mahirap siyang ihiwalay sa pagganap niya bilang transwoman sa Destiny Rose. Kaya pinahinga muna siya sa pagbida sa teleserye at puro guestings muna ang ginawa niya.

LYCA GAIRANOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with